Naya’s POV “Ang OA naman ng mga tao ngayon dito. Nag-viral ka lang ng dalawang beses sa social media, tingin na sila nang tingin. Ano, artista na agad, ganoon?” iritadong sabi ni Yanna habang sabay kaming naglalakad. Naiinis siya kasi hindi siya ang tinitignan ng mga tao kundi ako lang. Sa tono nang pananalita niya parang inggit lang siya, e. “Hi, Ate Naya. Pasok ka pa rin pala sa round na ‘to.” “Hello, Ate Naya. Sana makapasok po ulit tayo sa round na ‘to.” “Ang ganda niyo po, Ate Naya.” “Uy, si Ate Naya, oh. Hello, Ate.” Nakakatuwa kasi kilala na rin ako ng ibang mga fans ni Stefano. Karamihan sa kanila ay binabati at pinupuri ako. Pero may iilan pa rin talagang maldita at parang basher na agad. Taas-noo akong nilalagpasan, may iba naman na iniiripan pa ako. Mayroon din na puro ka-

