Naya’s POV Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating kami ni Ate Ayah sa bilihan ng sasakyan. Bilang first timer sa ganito, pinili kong mabuti ‘yung gusto kong design at color ng sasakyan. Saka, siyempre, inalam ko rin ‘yung saktuhan at kaya ko lang imaneho bilang baguhan din sa pagiging driver. Naisip ko kapag puti ang pinili ko, mukhang malinis at eleganteng tingnan, madaling makita sa kalsada, at hindi masyadong umiinit kahit naka-parking sa ilalim ng araw. Pero, medyo mabilis makita ang dumi at alikabok. Kapag itim naman, mukhang sleek at sophisticated, madali i-match sa iba’t ibang estilo ng pananamit at accessories. Pero, madaling makita ang gasgas at alikabok, at umiinit nang husto kapag naiwan sa araw. Kapag red naman, vibrant at eye-catching, nagbibigay ng sporty at ener

