Stefano’s POV Hubu’t hubad akong lumabas ng banyo pagkatapos maligo. Nakalimutan ko ang bathrob, kaya tumuloy na lang ako sa closet room ko ng walang saplot. Maaga sana ang shooting namin ni Miss Naya bukas, kaya lang itong mga kaibigan ko, biglang nag-ayang mag-bar ngayong gabi. Madalang silang mag-aya kaya hindi puwedeng hindi ako sasama. Hindi na lang siguro ako masyadong mag-iinom ng alak para hindi ako magkaroon ng hang-over. Nung paalis na ako sa kuwarto, aksidente kong nasunggo ang trash can. Nabuwal iyon at tumapon ang mga kalat. Isang papel ang nakita ko na agad ko namang pinulot kasi parang sulat kasi ito. Binuklat ko ang sulat. Napakunot ang noo sa nabasa ko. “Hi LV, sana nagustuhan mo ‘yang bagong sapatos na binili ko. Love MD.” Sinong MD ito? At anong sapatos ang tinutukoy

