Naya’s POV Umiiyak na si Thiago nung puntahan ko na siya sa ospital. Sa lakas palang ng iyak niya, alam ko na agad na namaalam na ang mama niya. Hindi muna ako lumapit. Hinayaan ko muna sila ng papa niya. Narito na rin ang ibang mga kamag-anak nila, umiiyak at pare-parehong malulungkot. Sa labas, naupo ako at napaiyak na rin. Dito ako mahina, e. Kapag may nakita akong umiiyak, nahahaw rin ako. Mas nakakaiyak ‘yung iyak ni Thiago. Ilang minuto ako naghintay doon hanggang sa biglang lumabas sa kuwarto na iyon si Thiago. Napatingin ako sa kaniya na nakatingin na rin pala sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa akin. Hindi naman ako nagdalawang-isip na yakapin siya. Mas lalo itong humagulgol nang yakapin ko kaya hinimas-himas ko ang likod niya. Lalo na rin ako naiyak kasi nanginginig at halos p

