Naya’s POV Gusto ko munang magpahinga, kaya lang hindi na puwedeng ipagpaliban itong photoshoot kay Boss Gelo. Napagod kasi ako sa shooting namin ni Stefano. Hindi ako masasamahan ni Ate Ayah ngayon kasi napagod din siya. Tapos, mamayang tanghali ay need na rin niyang pumasok sa trabaho kaya mag-isa na lang akong umalis sa bahay ngayon. Malapit lang naman ‘yung studio. “Manong, diyan na lang sa may building na ‘yan,” sabi ko sa sinakyan kong tricycle driver. Inabot ko muna ang bayad ko sa kanya bago bumaba. Makulimlim ang panahon. Tila uulan ng malakas. Mabuti na lang at pinagbigyan kami sa dalawang araw na shooting namin na music video ni Stefano. Pagpasok ko sa building na iyon, binati ako ng security guard. Kilala na niya ako kasi dito rin kami nag-photoshoot nung nakaraan. Habang p

