Naya’s POV Makulimlim ang kalangitan. Nagbabadya ang tila malakas na ulan. Halos hinahangin ang mga buhok ko paglabas ko ng bahay. Tumakbo si nanay para habulin kami ni Ate Ayah. “Uulan, magdala kayo ng payong,” sabi niya saka inabot ang dalawang payong sa amin. “Mama, look, may kotse na tayo oh, hindi na kami mababasa ni Ate Ayah kasi kulong na itong sasakyan namin,” masaya kong sabi sa kaniya. “Ay, oo nga. Bakit ba hindi ko naisip ‘yon. Sabagay, sa parking area na bababaan ninyo ay hindi na maulan kasi kulong na rin,” wika niya na kakamot-kamot pa ng ulo. “Tama po kayo. Kaya, sige na, pumasok na po kayo sa loob at baka bigla nang bumuhos ang malakas na ulan,” sabi ko sa kaniya. Nakatingin pa sa may gate ng bahay sina mama at papa nung paalis na kami. Ang saya-saya ko kasi ako ang

