Naya’s POV “Bakit naman padalos-dalos ka. Pumupunta ka nang hindi nagsasabi ng maaga?” tanong ko kay Yanna na biglang sumulpot dito sa bahay. Nakakainis, hindi ko pa naman siya puwedeng papasukin sa kuwarto ko. Makikita niya kasi doon ‘yung background ni Stefano sa post picture niya. Ayoko pang I-reveal sa gagang ‘to ang tungkol sa music video. “Alam mo na, sabi nga nila, mas mainam kapag biglaan. Kapag kasi planado, hindi natutuloy. Saka, kasi baka biglang sabihin mo na busy ka. Mabuti na lang at hindi,” sagot niya sa akin saka ito maarte na umupo sa sofa dito sa sala. Wala si Ate Ayah at wala rin ang parents ko. Tanging ako lang ang nandito kaya walang kakausap sa kaniya. “Anyway, gusto kong makita ang bedroom mo,” sabi niya saka ito tumayo. “Hey, stop. Maupo ka lang diyan. May tao sa

