Renaissance's Pov "Ano 'yong ginawa ko? A-anong aksidente?" Nanginginig ang boses na sambit ko. His eyes widen as he suddenly remember that he have said something I should never know about. Pinunasan n'ya ang sariling luha at nag-iwas nang tingin sa 'kin. "Klau!" Sigaw ko. It took seconds for him to bore his eyes back on me. Isang pilit at hilaw na ngiti ang ibinigay n'ya. "Nevermind." He said. His voice was firm and finality on it. Gusto ko mang usisain s'ya, hindi ko na ginawa pa. Pakiramdam ko kasi kung ano man 'yon na ayaw niyang ipaalam sa 'kin ay hindi pa rin talaga ako handang malaman. "Pupuntahan ko lang sila." Anunsyo n'ya. Tumango ako bilang pagsang-ayon nang hindi man lang siya tinitingnan. Ilang saglit pa'y narinig ko na ang papaalis niyang yabag

