Renaissance's Pov "I'm sorry baby, I'm sorry." Mag-iisang oras ko na atang paulit-ulit na sinasabi 'yon sa nakatulog nang si Beryl mula sa kaniyang pag-iyak. I expected her to react violently, pero kahit ba hinanda ko na ang sarili ko sa gano'ng reaksyon mula sa kaniya hindi ko pa rin maialis sa sarili na maguilt. She's so mad that she even shoved my hands away after telling her the truth. Kitang-kita ko sa mga mata niyang hindi niya matanggap ang lahat. Pinunasan kong muli ang luhang kumawala sa nakapikit niyang mata. Even in her sleep, she's crying and I can't do a thing to ease her pain, how useless of me. Marahan kong dinampian ng halik ang kaniyang noo bago ko inayos ang comforter na bumabalot sa kaniya. Muli ko siyang sinulyapan bago ako tuluyang lumabas ng kwarto

