"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Jaime pagkapasok namin sa ibang opisina. Nasa pang anim na floor kami. Mas nakakailang na ngayon dito kasi nasa ibang floor kami. Mga mata nila ay nakatitig sa aming dalawa. Lalo na sa akin dahil sa labas ang mesa ko. Paglabas ko---pagtitinginan talaga nila ako. Nasanay akong kami kami lang ang nasa taas at tahimik. No gossiping. Tapos wala ding maingay. "Dito muna tayo pansamantala, Baby, habang inaayos pa ang opisina ko." He answered and sit on the table. "Maayos naman ang opisina mo, ah?" Sambito ko at sumilip sa labas. Nag uusap usap sila at medyo nagkukumpulan. Nagchichismisan ata dahil nakatingin silang lahat sa gawi ng opisina ni Jaime. Buti n alang ay hindi nila kami nakikita dahil sa venetian blinds na nakakabit. Dagdag pa na tinted ang gla

