Nasa hapag kainan kami at pinag uusapan namin ang paglilipat namin ni Mira sa apartment. Dad and Mom bought us an apartment. Sabi nga namin na hindi na kailangan pero they insisted. Kaikangan na daw naming mamuhay ng kaming dalawa lang.
"Dad naman, ayaw niyo na ba kaming kasama dito? Bakit niyo naman kami pinapalayas?" Nagpapacute na tanong ko na ikinailing nalang ni Dad.
"It's not like that, Arabella. You two are already twenty-seven and didn't even experience going out and have fun. Nakapasok na ba kayo ng bar?" Dad asked. Si Mom ay tahimik lang at sumusubo ng pagkain. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ni Dad.
Ano naman kasi ang kinalaman ng bar na iyon sa pagpapalipat nika sa aming dalawa? Is that bar a must to go in? Sa nalalaman ko kasi madami daw mga adik doon. So, it's a no. Napatingin ako kay Mirabella nang magsalita ito.
"Mom?" Mirabella called Mom but he just smiled and continue eating. "Hindi mo. Man lang ba pipigilan si Dad? Dad is throwing away your princesses." Nagtatampong saad pa nito na inilingan ni Mom at ibinaba ang kutsarang hawak.
"Your Dad is right, Ara and Mira. Enjoy and have fun. Ayaw ko namang maging madre kayo at hindi ako bigyan ng apo. Naunahan pa kayo ni Hacer na magkaroon ng love life. You're already old enough to take care of yourself. Go and explore the world outside our princesses. Guwag kayong magkulong lang dito sa bahay. Binubuto niyo ang mga sarili niyo sa pagbabasa at kung ano ano pa." Ang haba ng paliwanag ni Mom. Pero wala talaga akong maintindihan bakit kailangan naming lumioat para mag enjoy? We're enjoying and having fun kahit na dito kami sa bahay nakatira.
" Umaalis naman kami Mom, ah? We go shopping with Selin, Eda and Marga. We even travel abroad. Anong explore ang sinasabi mo Mom? We're already exploting things and we enjoy it. Bakit kailangan naming lumipat?" Nagtatakang tanong ko na ikinailing nilang dalawa. Bakit ba kanina pa sika iling nang iling. Nakakasad na sila ang nagpapalipat sa amin.
" You'll know it soon, Ara. Alamin niyo yang dalawa." Mom is kind of weird. Ano ba naman kasi yang dapat naming alamin? Naku-curious tuloy ako. "You'll thank me later."
Napatingin na naman ako kay Mira.
" What? " kibit balikat nitong tanong. Clueless din ito.
"Do you know what Mom is talking about?"
Umiling ito at sumubo bago nagsalita.
"I don't even know what Mom is talking about. Brainless here," turo nito sa ulo at napabuga ng hangin. "Why is that so hard to tell us, Mom? Bakit kailangang malaman pa namin yan na kaming dalawa lang. Gusto miyo pa. Kaming pahirapang dalawa." reklamo ni Mira na ikinatango ko.
"Mira is right, Mom. Sabihin niyo na lang para mas kadali naming mahanap at makabalik na agad kami dito." Sabad ko pa at kumain din.
"It's not exciting if I said it. Saka kahit mahanap or malaman niyo ang sinasabi ko---hindi pa kayo babalik dito." Mom smiled.
"That's---hilarious, Mom!" I exclaimed. Paano naman daw iyon? Talagang tinapon na kami sa sarili naming bahay and the worst is---Mom and Dad are the masterminds.
"Basta isa lang ang gusto namin ng Mom niyo." Napatingin kaming dalawa kay Dad. "You will be here every weekend. No excuses, okay?"
"Bakit Dad? Pumayag na ba kami?" Tumatawang sabi ko. "Sa pagkakaalam ko---we didn't made our decission yet. Di ba, Mira?"
"Tama! We didn't agree to this kaya wala pang aalis. And we will not be moving out. That's the end of our conversation. Magsikain na tayo," segunda ni Mira na tinanguan ko. She's damn right! Very very right.
"You have no choice, Mira. You two will be living there or grounded lahat ng cards and allowances niyo? And you will be living in an apartment far away from civilization? You two choose." Kibit balikat na pahayag ni Dad. "Kayo ang magpasya. Kung saan kayo komportable."
"Aba! Kailan ba ang alis namin? Bakit ang tagal mong pumayag diyan, Mira? Sabi ko naman sa 'yo na maganda ang manirahan malayo kina Dad at Mom, eh." Napapailing nalang si Mira sa mabilis na pagbabago ng isip ko.
Aba! Ayokong maground ang mga cards ko pati ang allowance ko, noh. Paano ko na lang susuportahan ang mga books na binibili ko? Tapos lalayo pa sa city? Hay naku! Kaloka ang mga magukang namin.
" Mukhang pera ka talaga, Ara!" Inirapan ako ni Mira na kumakain.
"Pack your things, twinnies. You'll go after breakfast." Mom said smiling. Bakit ang saya nila tapos kaming dalawa ay tila pinagsakluban ng langit at lupa?
"Hindi ba pwedeng mamayang hapon na lang Mom?" saad ni Mira na tumigil na sa pagsubo. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Mom na aalis na kami after breakfast. "Hindi kami sanay ng hindi namin kayo kasama, Mom. Baka magbago pa ang isip niyo. Bakit si Hacer? Si Lilliane? Si Drake at si Zade? Bakit kaming dalawa lang? Unfair naman ata iyon, Mom, Dad?" Protesta pa din ni Mira.
"It's not unfair, Mira. Si Hacer my girlfriend then going out and live his life. Si Lilliane naman ay maraming manliligaw and know how to handle herself. Si Drake naman ay nagtatrabaho sa pagmamay ari nitong bar with his friends. And Zade is only seventeen years old. How about you two?" Natahimik si Mira dahil totoo naman ang sinabi ni Mom. Kaming dalawa lang ata ang outcast at hindi alam ang hitsura ng mga bar.
Aba malay ba namin! Sadyang hindi namin feel ang mga bars at lalo na ang alak.
Saka, more on bookstores, library, mall at bahay lang kaming dalawa. Kaya lagi kaming pinagtutulakang dalawa pero wala silang nagagawa. And now---nakagawa talaga sila ng rason para hayaan kaming manirahang dalawa on our own.
"Mom we are only twenty-seven. Ano naman ang masama sa edad naming dalawa?" Tanong ko kay Mom at Dad na nangingiti lang.
"Dapat binibigyan niyo na kami ng apo ng Mom niyo." Dad answered na ikinamata ko.
"Dad! That's ridiculous! How could you say that to us? Binubugaw mo na ba kami Dad?" Tumawa lang si Dad sa tanong ko.
"Kung pwede lang at hindi kami makakasuhan ng Mom niyo---baka ginawa na namin ang sinasabi mo, Ara." Napamulagat ako at hindi makapaniwalang tumingin kay Dad at Mom. Pati na din si Mira na halos mabulunan sa iniinom niyang tubig.
"You're insane Dad. You need help. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip mong kalokohan. Your mind is not in good terms Dad. Gusto niyi samahan konkayo sa pychologist? May kakilala ako." Tumatangong alok ko kay Dad na tinawanan niya lamang.
"Or do you want us t9 fix a marriage for the both of you---"
"No!" Sabay naming sigaw ni Mira. Damn! Fixed marriage? That will not gonna happen!
"Then find a guy that will suit your taste. Find love and enjoy what love can do." Saad ni Mom at hinawakan ang kamay naming dalawa.
Bakit ba oinagtutulakan na talaga kaming dalawa? Gaano na ba katanda ang twenty-seven oara ipagtulakan? It's in early stage---kami ng ahindi namomoblema eh. Tapos sila---ahhh! Nababaliw na ang mga magulang namin. Darn it!
My God! We can marry if we want it. Kung wala ay ayos lang. We can live oir life kahit pamikya lang ang kasama namin. They are more than enough for us.
"Dad naman." Maktol ni Mira at napatayo sa kinauupuan niya "Mom, Dad is being crazy. Stop him from hallucinating thing."
Nagkibit balikat lang ito at kumain na naman. Tila wala itong pakialam sa argumento naming tatlo. Pangiti ngiti lang ito.
"If you can't find someone---then I will be the one to choose. Sino ba ang mauunang ikasal sa inyo?" Napaisip si Dad at tinapik tapik pa ang lamesa. Kinakabahan akong naghihiwa ng karne sa plato ko. "Or we should do it a double wedding?"
"What?!" Sabay na sigaw namin ni Mira. "Dad!" Sabay ulit naming tawag. Nabitawan ko ang hawak kong kutsikyo at tinidor dahil sa narinig ko.
"Yes, twinnies? Nakapag isip na ba kayo? Fixed marriage o lipat bahay?" They are leaving us with no choice. Sino ba naman ang pipili sa fixed marriage?
"Aba! Lipat bahay nalang kami." Mabilis kong sagot na sinegundahan naman ni Mira.
"Ay bat ang tagal mong kumain, Ara? Tara na at mag eempake pa tayo, marami pa man din tayong dadalhin na gamit. Bilisan mo na diyan." Nakatayong saad nito na agad kong sinunod.
Tumayo na din ako at lumapit kay Mira. Yumakap ako sa braso nito bago sinimangutan si Mom at Dad. Nakakainis sila, aburido na kaming dalawa pero sila parang sayang saya pa.
"Tara na, Mira. Mag empake na tayo para makalipat na tayo agad. I'm sp excited!" Sarkastikong saad ko at pilit na ngumiti kina Dad. "How could they do this to us? Tara na nga, Mira baka bigla nalang nika tayong ipakasal---mahirap na. Mas okay ng mag alsa balutan na tayo. They're mean, kambal. Very mean..." hinila ko na sa kamay si Mira. Hindi na kami pinaoansin ni Mom. Si Dad na lang ang nakaharap sa amin. Bakit ganoon si Mom---nakakainis talaga. Kahit anong pagpapaawa namin ay walang effect. Talagang pinagplanuhan na nila ito. Ni hindi nga humarap ang mga kapatid namin dahil alam nilang kakampihan kami. Kinausap nila kami na kaming dalawa para wala na kaming kawala.
"Ihahatid ko kayo after you pack all your things." Presinta ni Dad na inilingan namin ni Mira at inirapan si Dad. Bahala siya diyan! Tapos tatawa tawa lang ito na para bang tuwang tuwa sa pag irap naming dalawa ni Mira. This is absurd!
"We can manage, Dad." Tinignan ako ni Mira at inaya na ako. " Tara na at mag empake. I'll drive, huwag na tayong pagpahatid kay Dad. Baka kung ano pa ang idagdag niyang sasabihin. Mamoblema pa tayo mas lalo. Let's go," tumango ako.
Tinignan muna naming dalawa si Dad at inirapang muli bago kami tumalikod na dalawa.
"Do you know how to drive?" Bulong na tanong ko kay Mira habang naglalakad kami papuntang hagdanan. Kasi sa pagkakaalam ko ni hindi nga ito nakahawak ng manibela, eh. Tapos magprepresinta siya na magdrive? Aba!
"Napapanood ko kung paano magdrive. Madali lang iyan," bulong nito na ikinatampal ko sa aking noo. Sabi na nga ba, eh. Parang mas kinakabahan pa ako kapag si Mira ang magdadrive mamaya, eh. Baka atakehin ako bigla kapag nabangga kami. Jusko! Huwag naman po!
"May driver liscence ka?" Tanong ko na ikinangiwi niya at umiling. Paktay! Ang garang magpresinta---hindi na nga marunong tapos wala pang lisensiya. Very good talaga itong kambal ko. Napakagaling! "Mag taxi nalang tayo," suhestiyon ko.
"Oo, magtaxi nalang tayo baka mabangga pa tayo ng wala sa oras. Mahirap na---saka na tayo mag enrol sa driving lessons kapag nakalioat na tayo. Sayang ang ganda natin kapag nabangga lang tayo." Tumango ako at nakangusong nakayakap sa braso nito. Hila hila ako ni Mira paakyat ng hagdan. Tila ba ayaw ko pang umakyat dahil alam ko na pagbaba namin ay aalis na kami at mamumuhay ng kami lang dalawa.
Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ni Dad. Hindi naman namin kailangang maglipat ng bahay, eh. Pwede naman kaming maghanap ng mapapangasawa namin kahit na nandito kami.
Nang makaakyat kaming dalawa ay naghiwalay kami ng pasok. Sa kanan siya at kaliwa naman ako. Oareahas kaming nakanguso at nagpapadyak. Labag ito sa loob naming dalawa lalo na at nasanay kami na kasama sila lagi.
Paano na lang kami nito?
Pagkasara ko ng pinto ay agad akong naglakad papunta sa aking kama at pasalampak na napahiga. Pero agad ding bumangon para mag empake.
Labag sa kalooban kong naglabas ng maleta at isa isang inilabas ang mga kakailanganin ko. Hindi ko kailangang dalhin lahat.