Nagising ako sa isang kuwarto na pilit kong kinakasanayan kahit ang hirap. I'm not used of being away from home. Akala namin ay malapit lang ang tutuluyan namin kina Mom pero we are wrong. Pinili nila ang lugar na alam nila na hindi kami basta basta makakauwi.
Yes, civilized pa din at malapit kami sa mga malls, hospital, parks and many more pero nakakamiss ang kuwarto ko sa bahay. Lalo na ang ingay kapag nagbobonding kaming magkakapatid. Or minsan ay daily routine na ng mga kapatid ko ang magsigawan---hindi para mag away kung hindi exercise daw ng mga bunganga nila. Imagine that?
Tapos dito---napakatahimik. Nakakalungkot at walang makausap na iba maliban kay Mira. Nakakamiss talaga sa bahay. Wala ang mga harutan pagkababa mo palang.
Bakit naman kasi pinilit nila kaming maglipat ng bahay? Ano ba naman kasi ang naisip nila Dad para gawin ito sa amin. Our parents are not in their right mind para gawin ang pagpapalayas sa sarili nilang anak. They're being unfair dahil kaming dalawa lang talaga ang lumipat samantalang 'yong ibang kapatid namin ay nasa bahay at kasama nila. Ang unfair talaga. I must do something para makabalik na ng bahay. That's my goal for now.
Tatlong araw na kami dito at ang masaklap hindi pa din kami natututong magluto ng mga hard meals. Ang alam lang naming dalawa ay magluto ng rice, fry fry lang ng egg, hotdogs, ham, noodles, and mga de lata lang.
Gusto din naman naming magluto ng adobo, sinigang, nilaga at kung ano ano na niluluto lagi ni Mom para sa amin pero bakit napakahirap?
We tried and tried but we always failed. Kung hindi maalat ang adobo---maasim o kaya naman ay nasusunog namin. We are giving up our career on cooking.
We search on internet pero ganoon pa din. So, we enrolled a cooking class online para kahit papaano ay matuto kami. We wanted a nice meal kaya kailangan naming magsikap. Sana nga gumana ang cooking class para naman kahit papaano ay matuto kami.
My phone rings. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. It's Selene kaya sinagot ko kaagad.
"Hey, napatawag ka ata?" Tanong ko at inalis ang kumot sa aking katawan.
"Wala lang---wanna eat lunch?" Nagkorteng puso ang aking mga mata dahil sa paanyaya nito. Kapag ito ang nag aya---paniguradong mabubusog ako ng bongga.
"You will cook?" Masayang tanong ko at napasandal sa headboard ng aking kama.
"No, Ara. Lunch date sa labas ang sinasabi ko." Nadismaya naman ako sa sinagot niya. Imbes na babangon---tila mas tinatamad tuloy akong bumangon.
Akala ko naman ay magluluto siya. Selene is one of the best chefs sa aming magkakaibigan. He can cook whatever we want. Kahit mga Pinoy cuisines na talagang kinasasabikan namin. Having her as my friend is so damn lucky.
Buti pa nga sila nabibiyayaan ng ganyang mga talento pero kami ni kambal---we're good in designing not in cooking. Kaming dalawa ni Mira ay nabiyayaan ng talento sa pagdidisenyo. Kaso---kahit anong galing namin sa larangan ng disenyo, siya naman ang ikinapalpak namin sa larangan ng pagluluto.
Not fair, right? Samantalang mga kaibigan namin---they are good in everything. Pati na din sa mga sports na kinatatakutan namin ni kambal. Kaya lagi kaming bokya kapag nagtotour kami. They enjoy sky diving, paragliding, zip lining, tapos kami ni Mira? Tamang upo lang sa isang bench habang pinapanood sila. We tried at lagi kong pinapauna si Mira kaso---sinusuot palang ang harnest sa kanya ay hinihimatay na ito kaya hindi na ako nagtangka pa.
Napaigtad ako ng biglang may magsalita sa tenga ko. I almost forgot Selene on the line.
"Hay naku! Natahimik ka na namang loka ka. Ano na naman ang naalala mo?"
Napahagikgik ako, "nothing, Selene. Something that is nakakahiya for me. Kaya huwag mo ng tanungin."
"Ah okay, so payag kang sumama sa akin for a lunch date?"
Napapikit ako at bored na sumagot.
"Next time nalang, Selene. I'll just sleep and read. Tinatamad talaga ako."
"No!" Nagulat ako at napamulat bigla sa sigaw nito. Aba! Kailangang sumigaw?
"Bakit ka sumisigaw?" Taas kilay na tanong ko. Naninigaw na lang bigla, eh.
"Hindi, ah. Nabigla lang ako---you know?" Mas tumaas ang kilay ko sa paraan ng pagsasalita niya. She's hiding something. Randam ko iyon.
"Is that so? Bakit parang may something?"
"Wala, ah. Samahan mo na ako, please..." pamimilit nito. Nakakanibago na namimilit si Selene ngayong magpasama. What's with her?
"Nakakatamad ang lumabas ngayon. I'll just stay at home. Saka na lang," tanggi ko pa din at nagtalukbong na naman.
"Sige na, Ara---I need you now."
May pa I need you---I need you pa ang loka! Ano naman ang ikinailangan niya sa akin, aber?
"Ayoko nga, Selene. Tinatamad talaga ako. Ask Eda, Marga o kaya naman si Mira. Mas masipag ang mga iyon lumabas labas," suhestiyon ko.
"May mga lakad na sila kaya ikaw na lang ang pag asa ko." Tumaas ang kilay ko at napaupo sa kama.
"Even, Mira?"
"No, alam mo naman iyon. May sariling lakad lagi kaya ikaw ang tinawagan ko."
"So, I'm just your last option?" Kunwari ay nagtatampong saad ko. "I'm only an option to you, Selene? How could you."
"It's not you, Ara. Stop acting, it's so nakakadiri." Aba! Ang loka! Nanghihingi ng favor tapos lalaitin ako. Bahala ka diyan.
"You're mean, Selene. Hindi na magbabago isip ko. Goodbye," akmang papatayin ko ang tawag nang patigilin niya ako.
"Wait!" Sigaw nito na ikinatigil ko. "Anong gagawin ko para mapapayag kitang samahan ako?"
"Nothing, Selene. Nothing," pumikit ako.
"Anything you want, Ara. I can be your slave if you want. Hindi ko lang kayang lumakad mag isa ngayon---please," nagmamakaawang sambit niya.
Napaisip ako---she can be my slave? Anything I want?
Napakagat labi ako at tumango tango. Something came across my mind and I know it will benefit me and Mira.
"You sure?" Paninigurado ko, mahirap na.
"Yes, Ara. Yes na yes!" Excited na sambit nito. "Basta papayag ka---lahat lahat susundin ko."
"Okay! It's settled, then." Nakangiting sabi ko dahil tamang tama lang ang naiisip kong ipagawa sa kanya.
Total, siya naman ang nagsabi, so---wala akong kinalaman doon. She said anything I want, or she can be my slave. Eh di, totohanin natin ang slave part. Tamang tama lang iyon.
"Thank you and see you later. Eleven o'clock at Savor Cuisines. Doon na lang tayo magkita."
"Okay, see yah."
Nang mamatay ang tawag ay umalis ako sa pagkakaupo ko sa kama. Ang galing din ng tadhana sa aming magkapatid. We missed cooked foods and now---nasolusyunan ko na.
Selene will be our chef cook for a month. Akala niya, ah. Aba! Mahal kaya ang pagsama ko lalo na kapag date ang pinag uusapan. I know her situation, siguro blind date na naman ang pupuntahan niya.
A blind date that her parents arranged.
Hindi naman siya nagpapasama kapag date pero ngayon---namimilit pa ito. It means, there is something in this person na ayaw niya. Malalaman ko din iyan mamaya.
Hay naku! Buti na lang kahit papaano ay may choices pa kami ni Mira. At kahit papaano ay hindi pa nawala sa katinuan ang mga magulang namin. Pero sa nakikita ko? May pagka slight na.
Biruin niyo ba naman na pinaglipat kaming dalawa lang? At ang ibang kapatid namin naiwan sa poder nila? Di ba sobrang unfair ng magulang namin? Porket may girlfriend si Hacer at ang iba eh sobrang active ang mga life gaya ng sabi ni Mom. They are being ridiculous.
So, boring ang buhay namin ng kambal ko?
Hay naku talaga! Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kami sa sarili naming bahay and staying at this apartment. Okau naman ang napili nina Mom at Dad na apartment. It's a two-story apartment that has everything in it. Kompleto na talaga at ang maglipat nalang ang ginawa namin. Even the fridge, cupboards and everything is filled. Kahit papaano ay hindi kami pinabayaan ni Mom. Kaso---parehas kaming hindi marunong magluto.
Pagtingin ko sa oras---may three hours pa ako para magprepare. Bumangon na ako at bumaba sa kusina.
Naabutan ko doon ang kambal ko na nagpa-fry ng hotdog. Again---hotdog na naman with egg. Mapupurga na ata kaming magkapatid nito.
"Morning, Mira." I greeted.
"Morning din, may lakad ka?" Tanong nito at lumingon sa akin.
"Yes, Selene invited me for lunch. And you know what's with that lunch again." I shrugged and set the table for us. Nakaluto naman na kasi ito ng fried rice. Tapos ang ulam namin, eh---egg and hotdog. Yan ang ulam of the week namin.
"Hindi ba napapagod magulang niya sa kakaset ng date sa kanya?" Tanong nito habang nilalagay na sa plato ang niluto niya.
"Kaya nga, eh, buti na lang tayo kahit papaano ay ito lang ang napala natin." Sambit ko at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. "And oh, by the way, I think we'll be eating more nutritious food tomorrow." Dagdag ko pa nang maalala ko ang plano ko.
"At paano naman mangyayari 'yan, aber?" Humarap si Mira sa akin at pinamaywangan ako. "Bakit? Marunong ka na bang magluto?"
"As if naman, Mira. Ikaw nga hirap matuto---ako pa kaya?" Inirapan ko siya at naupo na sa mesa. "Selene will cook for us for a week. Sabi niya kasi gagawin niya lahat ng gusto ko basta pumayag lang daw ako na samahan siya. She's desperate and I am too. Magkaiba nga lang ng level of desperation."
Napailing na lang si Mira bago nilapag ang pagkain sa mesa.
" Gumana na naman ang utak mo, Ara. You are using their weaknesses. Don't you ever do that. Kaibigan natin siya at dapat dinadamayan natin not like that." Sermon nito sa akin na ikinabuga ko ng hangin. Heto na naman po tayo sa sermon be like. Nagiging si Dad na siya sa ginagawa niya. For those three days, we spent here. Jusko! She's like dad.
" Sabi ko naman sa 'yo, Mira---she offered. At siyempre, mabait akong kaibigan kaya pumayag ako. I have errands on my books today pero ginive up ko para kay Selene. And now---sinesermonan mo ako about friendship? That hurts, Mira. Really hurt..." kunwari ay kumuha pa ako ng tissue at pinunasan ang tuyo ko namang pisngi.
" Cut the drama, Ara. Kumain ka na nga lang diyan ng mabusog ka pa. Ang dami mong alam, " nakairap na saad nito na ikinangiti ko.
Kinuha ko ang kanin at sinandukan muna ito bago ako kumuha ng kakainin ko. Sanay akong sinasandukan muna siya bago ang sarili. Hindi ko alam pero ganoon ako lagi. Hindi ata ako sanay kapag hindi ko siya sinandukan. Even in our house---ganoon na talaga ako. Kaya sanay na si Mira sa akin.
"Siya nga pala, in two days---uuwi tayo kina Dad. May celebration daw kaya dapat umuwi tayo." Napanguso ako dahil sa sinabi niya.
"At ano namang celebration ang gaganapin? Palilipatin tayo tapos---papauwiin din. Hmmp!"
"Hindi ko alam, eh. Dad didn't tell me. Basta ang sabi niya umuwi tayo. Dinecline ko nga si Dad kaso---" she paused.
"Kaso---ano?" Nakakunot ang noong tanong ko. Nambibitin pa kasi, eh.
"He will set a separate date for us kapag hindi tayo umuwi." Sambit nito bago sumubo ng pagkain.
"Damn! Dad is really impossible! I think he's planning something, Mira. How could he threatened his daughters?" Bulalas ko na ikinakibit lang nito ng balikat.
"I'm going home. Ikaw?"
"Of course! Uuwi ako! Aba! Hirap ng ipadate niya ako sa kung sino lang. Makakatikim na talaga si Dad sa akin pag uwi ko. What did Mom say?"
"Ano pa nga ba? He agreed to Dad." Napatampal na lang talaga ako sa aking noo. Why are they doing this to us?
"Dad and Mom are really not in their mind, lately, Mira. Should we do something?" I asked.
"Let's plan, Ara. Kailangan nating putulin ang pinaplano nila. I'm not yet ready. I'm happy being single. Ikaw ba?" Balik tanong nito sa akin.
"I'm happy being single too. Ayokong magaya kina Eda at Marga na ginagawa tayong crying shoulder kapag nag aaway sila ng mga jowa nilang wala namang ginagawa kung hindi ang paiyakin sila. Tsk!" Sa gigil ko ay napasubo na lang ako ng madaming fried rice at nagsubo din ng egg. Kainis kasing mga lalake iyan. Wala ng ibang alam kung hindi ang magpaiyak nalang.
" Truth, Ara! Kaya ayoko din sa mga lalake. Andiyan naman ang mga books natin. They are more worth it than having men in our life. Siyempre---given na ang mga kapatid natin and Dad." Tumango ako dahil tama siya.
Mabubuhay kami without men in our lives. Libro lang ay sulit na. Nagkuwentuhan pa kaming dalawa habang kumakain. We are exchanging ideas kung paano pababaguin ang isip ng mga magulang namin.
Napangisi ako nang maalala ko si Hacer. Siya na lang ang pag asa na mayroon kami ngayon. And hoping it will work.