Chapter 3 [Selene's Date]

2423 Words
Nakatingin ako sa kanila habang nag uusap. I know they're arguing based on Selene face reaction. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan o kung ano ang pinagtatalunan nila but my eyes are on them at hindi ko iyon tatanggalin. Selene is like my sister, so, if he hurt her---magtago na siya dahil hindi ko siya sasantuhin. Dapat nirerespeto ang mga babae hindi sinasaktan. So, don't he dare talaga. I'm an educated person but when it comes to my family and friends. Nawawala ang pagka edukada ko. Even if this place is public. I really don't care at all. Mom and Dad knows me at hindi lang iilang beses nangyari na nakipag away ako dahil sa mga kaibigan ko. I know when to protect them and when to not. Alam ko naman ang limitasyon ng galit ko. At alam ko namang lumugar sa tama at mali. And when that guy grab Selene's hand. Nanlaki ang mga mata ko at nagtagis bigla ang aking bagang. Napatingin si Selene sa akin at umiling. Akmang tatayo na talaga ako at lalapit sa gawi nila. Ayaw niyang sumali ako sa diskusyon nila. Tumango nalang ako kahit alam mong labag na labag ito sa aking kalooban. Gusto ko na talagang tumayo sa kinauupuan ko at sugurin sila para maturuan ng leksiyon ang lalakeng iyon. Pero, iniisip ko pa din si Selene. Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuga na lang ng hangin. Nang tinanggal ni Selene ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay nito ay nakahinga ako nang maluwag. "Much better," I murmured and sipped on my juice. Parang nawalan pa ako ng ganang kumain. Hanep kasi itong lalake na ito. Gutom pa man din ako kaso hindi ako mapakali dahil sa nakikita ko. Nagtatalo pa din sila until now. Nang tumayo si Selene ay tumayo na din ako. That's her cue na tapos na ang usapan nila ng lalake. But to my surprise---lumapit ang lalake sa tabi ni Selene at kinaladkad niya ito paalis. Nag init mas lalo ang ulo ko at sinigawan sila. How dare him! "Stop right there! You f*****g bastard!" Nanggagalaiting sigaw ko. Selene stop but the guy didn't. Aba! Ginagalit talaga ako mas lalo ng lalakeng ito. Wait ka lang. "I said stop right there. Are you deaf or what? You bastard!" Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng restaurant but I didn't care. All I care is Selene. Sinasaktan niya ang kaibigan ko at hindi ko iyon papayagan. "Who are you to stop me?" He's smirking. Hawak hawak pa din nito sa kamay si Selene na naiiyak na. Lumapit ako sa gawi nila at hinila si Selene papunta sa gawi ko. But the guy didn't let her go. "Let go." Madiing babala ko dito at sinamaan siya ng tingin. "You should let go of my fiancé's hand. Huwag mo akong utusan sa pwede kong gawin. I have my rights, kaya huwag kang nangingialam." He said and point his finger towards me. Napataas ang aking kilay and smirked at him. Kailan pa nagkaroon ng fiance si Selene na hindi namin alam? This guy is too full of his self. Ang yabang! As if naman papatulan siya ni Selene. Hindi ang katulad niya ang tipo ng kaibigan ko. Wala pa nga sa one fourth, eh. Sa pagkagentleman palang---bagsak na bagsak na siya. "Talaga lang, huh? Fiance? Baka nananaginip ka lang manong. Ikaw? Magiging fiance ng maganda kong kaibigan? That will not happen. Sa hitsura mong iyan? Natatawa tuloy ako sa sinasabi mong fiance thing." Nang iinsultong saad ko sa lalake at tinanggal ang kamay nitong nakahawak kay Selene saka ako tumingin sa kaibigan ko para ito naman ang tanungin. "Is this mother fucker really is your fiance?" Nang umiling ito ay nang uuyam akong tumingin sa lalake at inismiran siya. "See?" Kibit balikat kong sambit at mahinang tumawa. "Dream on, bastard. Yabang pa more. Huwag mang angkin ng hindi naman sa'yo. And don't you dare hurt my friend, okay? Alis na! Baka mandilim pa paningin ko at hindi ka na makalabas ng restaurant na ito ng naglalakad." Babala ko. Tinignan ko ang kamay ni Selene na namumula. How dare this bastard do this to her. Hinaplos haplos ko ito at naaawang napatingin kay Selene. " I'm alright, thank you." She said at smiled. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. "Masyado kang matapang, Miss. Ilugar mo ang tapang mo. Wala kang karapatang manghimasok sa sitwasyon namin ng fiancé ko dahil hindi ka nakakatuwa. Bakit? You want me that much, that you have to interfere in our business?" He smirked again na tinawanan ko talaga. As in tawa talaga na nakakainsulto. Putik! Pinagsasabi niya? Jusko! My God! Nakasinghot ata ito ng katol at nangangarap. Nasobrahan ata. Tinuro ko ang sarili ko at mas malakas pang tumawa. Damn this guy. Hindi ba niya alam na allergy ako sa katulad niya. He's not my type either. Nakakasuka. " Me? Wanting you? Duhh! I'll be wishing to marry a book than to have a bastard like you in my life. Ang gaspang ng ugali at bastos. You don't know how to treat a woman with respect kaya dapat sayo binabastos din. Umalis ka na nga, dahil wala kang lugar dito. Tsupe! " Pagtataboy ko at tinalikuran na namin siya para sana bumalik sa table ko. " You b***h! " Napataas ang aking kilay sa tinawag niya sa akin. Ako? b***h? He's kidding, right? Napatingin ako kay Selene ng umiling na naman ito at hinihila na ako paalis. But my feet didn't let me. How dare him call me b***h. Ang taas naman ng level ng pananaw niya sa mga b***h. At ipapakita ko sa kanya kung ano ang kayang gawin ng b***h na ito. A higher class b***h na magpapatumba sa kanya. Tsk! Humarap ako sa kanya and smiled. b***h pala, ha? Mabait pa ako sa lagay na ito. "Are you referring to someone close to you? Kasi sa pagkakatanda ko---walang b***h dito. Try to call your mother and tell her to teach you real manners. Parang nakalimutan ka ata niyang turuan o kaya naman ay sadyang patapon lang ang buhay mo at hindi ka na kayang disiplinahin ng mga magulang mo. You're hopeless." Naiiling na sambit ko. I pity him. "You--" akmang sasampalin niya ako ng unahan ko na siyang suntukin. "Huwag na huwag mong idadapo ang mga kamay mo sa akin dahil hindi ko iyon hahayaan. Bastard like you isn't supposed to be respected. Kung ayaw mong umalis. Kami ang aalis. Let's go, Selene." Aya ko sa kaibigan ko at nauna ng naglakad but this guy is getting on to my nerves. "Tabi! " Sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw pang tumabi at nakipagsukatan pa sa akin ng tingin. As if naman na matatakot niya ako. Ayaw niyang umalis sa harapan namin? Fine! Dumiretso ako ng lakad at binangga talaga siya. As in binangga ko siya. Everyone in the restaurant gasped in surprised. Dahil na rin siguro hindi ako natatakaot sa lalakeng kaharap namin. Why would I? Kulang na nga lang ay bumuga na ng apoy ang lalake sa galit na nararamdaman niya sa akin. I can see it in his eyes. Anong silbi na naging tatay ko si Tyronne Fuentebella kong hahayaan ko lang na tapakan ako. Letse siya! Baka kapag kaharap niya si Dad---siya na mismo ang sumapak sa walang modong lalake na ito. O baka nga nasa hospital na ito sa mga ora na ito. "Magkikita pa tayo!" Sigaw nito sa amin habang papalabas kami ng restaurant. All I did was to show him my middle finger. Tang'na! Kahit saan pa kami magkita---hindi ko siya uurungan. I'm a black belter after all. Wala siyang panama sa akin kahit na lalake pa siya. We learned how to protect ourselves. Nang makapasok kami sa sasakyan ay sinamaan ko ng tingin si Selene. Gustong gusto ko siyang sabunutan dahil hinahayaan niya ang lalake sa ginagawa niya. " How could you let him hurt you like that?" Inis na tanong ko at napahilamos sa aking mukha. This is frustrating. She can defend herself kapag binabastos at sinasaktan siya ng ibang tao pero bakit ngayon? Hinayaan niya lang? "You know I hate that. Pasalamat siya nagtimpi pa ako, Selene. How could you let him?" Tanong kong muli na ikinayuko niya. "Ayoko ng gulo, Ara. Dad will get angry if he will know about this. Saka baka magpull out ng investment ang pamilya niya kaya hindi ako lumalaban." Nakayuko pa ding sagot niya na ikinaroll eyes ko. Damn that reason! My family can invest kung yun lang ang prinoproblema niya. "Ayaw mo ng gulo, kaya hinahayaan mong saktan ka niya? Ganoon ba iyon?" Nagtitimping tanong ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nag uumpisa na din akong mainis sa kanya. "Who's that guy anyway? Why is he claiming that she's your fiance? Is that even true?" Pag iiba ko ng topic. Maiyak iyak na naman kasi ito. At isa sa mga pinaka ayaw ko ay ang makitang may umiiyak isa man sa mga kaibigan ko. Kaya niya siguro ako sinama dahil alam nito ang ugali ng makakaharap niya. Buti na lang ay napilit niya ako. " Yes, dad fixed it. " Umiiyak ng sabi niya na ikinahagod ko sa kanyang likuran. "Ayokong magpakasal sa kanya, Ara. He's too dominant at nananakit." So, it means hindi lang sila ngayon nagkita. Maraming beses na siguro. She's keeping it to herself. Nakakainis. Anong silbi naming kaibigan niya kung sinasarili niya lang ang problema niya? "How many times did he hurt you?" Nagtatagis ang bagang na tanong ko. How could he do that. Dapat nirerespeto at minamahal ang mga babae hindi sinasaktan. Makakatikim talaga sa akin 'yon kapag nagkita kami ulit. Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa niya. And I know for sure na magkikita or should I say kikitain ko talaga ang bastardong iyon. Damn him for hurting my friend. "A couple of times," umiiyak pa ding sagot niya na ikinamura ko. "And yet, nakikipagkita ka pa? Tang'na naman, Selene. Mag isip ka naman, sinasaktan ka na pero nakikipagkita ka pa din? Did your dad knows about this?" Umiling ito na ikinabuga ko ng hangin. Nakakafrustrate siya ngayon, promise. I didn't expect it to become like this. "Anong plano mo?" Kapagkuwan ay tanong ko. "Nothing, ayokong magalit sina Dad sa akin." Damn that reason again. Ano? Magtitiis siya sa hinayupak na lalakeng iyon? Aba! At hahayaan niyang ikasal siya sa ganoong klaseng tao? "Think Selene, may isip ka naman at alam kong hindi ka tanga. Kailan pa naging hangin ang laman ng utak mo? Jusko! You're getting in to my nerves, Selene!" Bulalas ko. Wala na talaga akong masabi sa reason niya. Ayaw niyang magalit ang dad niya kaya hahayaan niyang saktan siya at bastusin ng paulit ulit ng hinayupak na lalakeng iyon. Kung sa kanya ay ayos lang, pwes! Sa akin ay hindi! Magtutuos kami ng lalakeng iyon. Hindi ako mapipigilan ni Selene. No one can stop me. " Hayaan na lang natin, Ara. It will pass." Mas nanggigil ako sa sinabi nito. How can she be thia calm kahit na umiiyak na siya. "Anong it will pass? No! Walang lalagpas sa araw na ito. Ako ang kakausap kina Tito. No buts! Ano? Hihintayin na lang namin na pumapasyal ka sa apartment ng may pasa o kung ano man? No freaking way, Selene!" Inis na saad ko at pinaandar na ang sasakyan. Ayoko ng makipagdebate sa kanya dahil alam ko na ipipilit lang nito na huwag na namin kausapin sina Tito at Tita. Pinipigilan niya akong dumiretso sa bahay nila pero wala din itong nagawa. Hindi ko itotolerate ang ginawa ng lalakeng iyon. Gigil niya ako. Tinawagan ko si Mira. Alam ko na hindi ito umalis. I need her to come with us. Mas mahinahon siya kaysa sa akin in terms of argument like this. Ako kasi---wala talaga akong pasensiya kapag alam kong nasa tama ako. " Hey musta ang date? " Bungad nito na ikinasimangot ko talaga at napabuga ng hangin. " Need you at Selene's house now." Seryosong saad ko. "Why? Is there something wrong? May nangyari ba sa date niya?" Tanong pa nito na ikinalingon ko kay Selene saglit at ibinalik din ang tingin sa kalsada. "Sobrang laki, Mira. Isa lang naman sa kaibigan natin ay hinahayaang saktan ng kung sino man. And her reason is lame for me. And she also asked me to let it pass." I tsked. "Sinong nanakit kay Selene?!" Galit na din ito sa kabilang linya. Kung anong ugali ko ay mas ang ugali ng kakambal ko lalo na sa ganitong sitwasyon. But when it come s to argument---kaya niyang mapalamig ang kanyang ulo in an instant. Kabaliktaran ko. "I'm on my way! Magbibihis lang ako! Humanda ang lalakeng iyon sa akin. Damn that guy! Pipilipitin ko talaga ang ulo nun! I promise!" "Exactly what I wanted to do kaso may pumipigil." Sumbong ko at umirap. "Selene." Tumango tango ako. "Wala naman siyang magagawa. Sorry siya at isinama ka niya. She knows us too well lalo ka na. As if naman may magagawa pa siya. What's done is done. Sinaktan siya---then let that bastard know what he deserves." Sambit nito na ikinangisi ko. That's Mira. Suportado ako sa gusto kong gawin. "Kailangang makausap natin ang parents ni Selene na huwag ituloy ang fixed marriage baka bangkay na ang anak nila after. And I don't want that to happen. Baka mapatay ko pa ang lalakeng iyon." Nanlilisik na naman ang mga mata ko kapag naaalala ko kung paano niya kaladkarin si Selene kanina. "Kung nandoon ka lang---malamang hindi na iyon nakalabas ng restaurant ng buo." "Sinabi mo pa!" She exclaimed. "Dapat sa mga kagaya niya---tinuturuan ng leksiyon. Baka akala niya babae lang tayo na hindi kayang lumaban. He's wrong. Maghintay siya dahil may kalalagyan talaga siya. Wait for me outside their house. Huwag muna kayo papasok. I need all the details para alam ko ang mga sasabihin ko. Magtaxi na lang ako, since dala mo ang sasakyan. Give me ten minutes." "Okay, mag iingat ka." "I will, Ara." And the line went dead. Walang umiimik sa aming dalawa ni Selene. Alam niya kasi na mainit pa ang aking ulo. At alam din nito na kahit anong paliwanag niya ay hindi niya mababago ang desisyon ko lalo na kapag nagsabi na ako kay Mira. Kailangang magawan ng paraan ang nangyaring ito dahil kung hindi---hindi talaga ako matatahimik. We need to tell to her parents first, bago namin asikasuhin ang hinayupak na lalakeng iyon. It that case---I can calm myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD