Chapter 4 [Parent's Celebration]

2543 Words
After what happened to Selene. Naresolba naman agad ang nangyari. Mahabang paliwanagan lang naman ang ginawa namin sa mga magulang niya. At first, kinakampihan nila ang lalake. And when, we said about what happened. Lalo na ng makita kong saktan niya at kaladkarin si Selene. Her parents gone mad. Kulang na lang ay sumugod sila sa bahay ng lalake. They wanted to sue that bastard kaso---pinigilan na lang namin. Pinilit naming pakalmahin ang mga magulang niya. Kasi kung gagawin nila iyon---baka magkagulo ang career ni Selene. Lalo na at sikat siya sa larangan ng pagluluto. Dudumugin siya at ayaw naming mangyari iyon. Her career will be at stake. At sa wakas naintindihan nila iyong punto namin. Laking pasasalamat talaga ni Selene sa amin at nakaalis na siya sa sitwasyong iyon. At siyempre, kaibigan namin ito kaya hindi namin siya hahayaang mapahamak. Hahayaan ba naming mapunta siya sa walang kuwentang lalake na gaya nun? No freaking way. "Sure ka bang hindi ka talaga makakapunta?" Tanong ko kay Mira habang nag aayos ako ng aking buhok. Ngayon ang sinasabi nina Mom na party sa bahay. Ayaw sana naming pumunta dahil gusto naming magrebelde kaso miss na miss ko na sila Mom at Dad lalo na ang mga kapatid ko. But Mira couldn't make it. May biglaan itong lakad na importante na hindi pwedeng ipagpaliban. "Just tell them what happen. Hindi ko naman pwedeng hindi kitain ito dahil about ito sa magiging trabaho ko." Paliwanag niya habang nag aayos din gaya ko. Tumango ako, "okay, sasabihin ko nalang sa kanila. You'll be okay there? Gusto mo samahan na lang kita?" Tanong ko at napatingin sa kanya. "Mom and Dad will understand kapag hindi tayo nakapunta." Umiling ito, "I can manage, Ara. Hindi naman pwedeng dalawa tayo ang wala doon. Just tell me what will happen there. I know our parents are doing something. At alam kong ikakagulat nating dalawa iyon. So, watch out." Paalala nito at nagretouch na ng lipgloss sa labi nito bago ngumiti. " Okay, okay, just update me everytime. Just use the car---ay hindi ka pa pala marunong. Just take a cab o ihahatid kita? " Alok ko na muli nitong inilingan. " I'll choose the first one. Malalate ka na sa party at alam mong may kaakibat na naman iyon. Dad and Mom are really something this days kaya ikaw na ang mag ingat. " Paalala niya sa akin na ikinangiwi ko. Thinking of them really give me goosebumps these days. Ang hirap ng aitwasyon namin. Nakakastress. " Kaya nga parang ayokong pumunta. I know something will happen tonight. Knowing them? Jusko! Ibibigti ko si Laso kapag nagkataon. " Natatawang saad ko na ikinatawa din ni Mira. Laso is one of my cutest and biggest stuffed toys in my bed. Lagi kong katabi at kayakap. Kay Laso palang sapat na ako. Tapos dagdagan mo ba ng mga libro. Sobrang sapat na kahit hindi na ako lumabas ng kuwarto. " Siya, sige. Mauuna na ako sa'yo. The taxi is waiting outside. Balitaan mo ako sa mangyayari." Paalam niya at humalik na ito sa magkabilaan kong pisngi at nagmadali ng lumabas. Wala na akong nagawa kung hindi ang ihatid ito ng aking mga mata sa pinto. Buti pa siya nakalusot. Ako eto kinakabahan. Parang ayaw kong pumunta kaso nangingibabaw ang pagkamiss ko sa kanila. Ang hirap talaga kapag malayo ka sa pamilya mo. Konting retouch pa ang ginawa ko bago ako tuluyang umalis ng apartment. Madali ko lang namang natutunang magmaneho ng sasakyan. Nagdriving lesson kaagad kasi ako. Hassle kasi kapag taxi na lang kami lagi ni Mira. Tapos idagdag pa ang palagiang panunukso ni Dad. Hay naku. Mababaliw ata ako sa Dad ko. Nang makarating na ako sa bahay. Agad akong magpark sa labas dahil madami ng tao sa loob. Ang inaasahan ko ay maliit na selebrasyon lang. Bakit napaka engrande ata? What's happening? Minsan lang magpaparty ang mga magulang ko na ganito kagarbo. Mas sanay sila sa simple lang na handaan. So, it means---importatnte ang selebrasyon ngayon. Paktay si Mira nito. Bakit kasi hindi kami sinabihan. Paniguradong matutuloy ang blind date niya. Kawawang nilalang. Napapailing na lang akong lumabas ng aking kotse at pumasok na sa loob. Sinalubong ako ni Hacer na nakahawak ng baso na may wine. Inabutan niya ako. "I miss you na," nakangusong saad ko at niyakap ito pagkatapos kong tanggapin ang baso ng wine. "Ang unfair talaga nila. You are all here tapos kami ni Mira pinalayas." Mahinang natawa si Hacer at tinapik ang aking likuran. "Bakit ba naman kasi mahilig kayo sa mga libro kaysa ang tignan ang buhay sa labas? Halos hindi kasi kayo lumalabas ng lungga niyo ni Mira. Anyway---where's Ate Mira?" Tanong nito at kumalas na sa yakap. Tumingin tingin pa ito gate hinihintay kung papasok ang kakambal ko. "Unfortunately, Mira couldn't make it tonight. Some urgent matters comes her way so, she really can't make it. Andito naman ako," imporma ko na ikinangiwi niya. So, paktay nga si Mira base sa reaction ni Hacer. Goodness! Tawagan ko kaya siya at papuntahin nalang? "That bad?" Tanong ko at naaawa sa aking kakambal. Tumango ito, "I overheard Dad and Mom a while ago. If one of you didn't come. Blind date is waving." Saad pa nito at winave wave pa ang kanyang kamay. Mas napangiwi ako, "Dad and Mom are really serious on finding us two a husband, isn't it? Tawagan ko kaya si Mira to come?" Tumango ito at bago pa ito makasagot ay boses na ni Dad ang narinig ko. Pparehas kaming na0atingin sa gawi ng nagsalita. "Good evening, Ara, my princess. Where's Mira?" Nakangiting tanong ni Dad at lumapit na sa gawi namin ni Hacer at humalik sa aking pisngi sabay yakap na din. Alam ko na masaya siyang hindi ko kasama si Mira dahil magtatagumpay ang balak nila ni Mom. Ngayon pa lang, igogoodluck ko na si Mira. " She can't make it, Dad. An urgent offer came to her. So, she have an important dinner meeting. Pasado naman siguro iyon as an excuse, Dad, 'di ba?" Napapakagat labing tanong ko dahil gusto kong makaligtas si Mira sa plano nila. But I was dismay sa sagot niya. "Sorry, princess but what we said on the call will stay that way. Malay ko ba kung totoo iyon o excuse niya lang? But, I must say that even if that excuse is important. What we talked will happen. Goodluck to her, Ara." Tinapik ni Dad ang balikat ko at mas lumawak ang pagkakangiti. "Your mom will be very happy. I should tell her now. Sunod na kayo sa loob at kumain ka na doon. Mauna na ako sa loob." Paalam pa nito at kumaway pa. He is really happy. So, expected na talaga niya na isa sa amin ang hindi makakapunta. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapatitig na lang sa tumatakbong imahe ni Dad papasok. I can't really believe them. Jusko! Bakit ba nagkaroon kami ng magulang na ganito? " See?" Biglang saad ni Hacer na ikinatingin ko dito at napanguso. "I told you that whatever happens---their plan still the same. Kaya ikaw---make them happy. Find one para hindi ka na sumabak pa sa maraming blind date. Sinasabi ko sa'yo. They won't stop until you two settled down." Nagpapadyak nalang ako sa harap ni Hacer na ikinatawa talaga nito. " Hacer! Do something naman! Dad and Mom are starting to annoy me. Hacer! " Nagmamaktol na saad ko at mas nagpapadyak pa. I don't care kahit nakaheels ako. Tawa lang ito nang tawa sa harapan ko. Maya maya ay nilapitan na niya ako at inakbayan. "Don't worry, big sister, malulusutan mo naman ang mga date na paparating kung sakali. I know you. Hindi basta basta magpapauto sa mga lalake. Tara na sa loob baka biglang madamay ka pa sa hindi pagsipot ni Ate Mira. Patay kang bata ka." Asar pa ni Hacer na ikinahampas ko sa kamay niya. " Sige, Hacer, palakasin mo pa loob ko. Sinasabi ko sa'yo---kawawa ka din kung sakali." Pinagkiskis ko ang aking mga palad at inirapan na siya. Tumatawa lang ito habang naglalakd na kami papasok. " Oh, I forgot. What's the occasion?" "May occasion ba ngayon? You can tell, Ara because you know all our occasions. Sa tingin mo?" Sagot nito bago kami tuluyang pumasok sa loob. "I don't know, Hacer, kaya nga nagtataka din kami kung anong okasyon ngayon. I know, malayo pa ang mga birthday natin. Dad and Mom's anniversary---three months from now. Your birthday---next year pa. Dad and mom is up to something. Isn't it?" Nakangiwi na namang tanong ko. Hanep! Mapaparami ata ang pagngiwi ko ngayong gabi dahil sa mga ginagawa ng parents namin. " Expect more occasions and family gatherings from now on, Ate Ara. So, you need to warn Ate Mira, too. Don't tell me in the near future that I didn't warn you. Sinasabi ko sa'yo, they are very serious. Be ready, big sister." Pananakot ni Hacer sa akin na alam kong tumatatak sa aking isipan. Hindi man niya ako balaan ay alam kong madami talagang mangyayari. Kinakabahan talaga ako sa mga gagawin nila at mga plano. Kawawa talaga kami ni Mira nito. " Should I start dating then? " Tanong ko kay Hacer na magkasalubong ang aking kilay at napapangiwi. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang hitsura ko, eh. Thinking that I will be dating starting now---really disgust me. Big time. "It's for you and Ate Mira to decide. Pero para sa akin? That will be the best way. Hindi niyo ba alam na sinusubaybayan kayo? So, I tell you---start changing your lifestyle from now on. Hindi nila tatanggalin ang nakasubaybay sa inyo not until they see that you two are finally starting to realize what is life outside." Hacer said while looking at Mom and Dad who's busy talking to some people na ngayon ko lang nakita. "I don't know what to do, Hacer. Anong alam ko sa mga bagay na iyan?" Yumakap ako sa braso ni Hacer at hinila ito papuntang pool area. We need to talked privately. Baka marinig pa ni Dad, mahirap na. Gusto ko ng suggestion mula kay Hacer. He's my saviour all the time. "Kaya nga sinasabi ko sa inyo na start changing your lifestyle. Lumabas na kayo sa apat na sulok ng kuwarto niyo at bitawan niyo ang mga lobrong binabasa niyo. Kung ayaw niyong, everyday kayong may blind date." He said seriously. "What? Araw araw?" Gulat na bulalas ko dito na tinanguan niya. Jusko! Isang date pa nga lang, hindi ko na maatim---everyday pa kaya? "I told you, I overheard Mom and Dad talking everyday. Ang alam ko sinasadya nilang iparinig sa akin para balaan ko kayo. They know that we are this close. Ginagamit nila ako para iparating sa inyo ang mga plano nila. You know them very well, Ate Ara." Umupo ito sa hammock at tumingin sa akin. "What will you do?" He asked. Anong malay ko sa gagawin ko? Wala naman akong kaalam alam sa mga ganoong bagay. Lalo na ang mga gusto ng mga magulang namin. Bar? Dates? Boyfriend? God! My parents are giving me chills right now. Para ata akong magkakasakit sa mga naririnig ko mula kay Hacer. " Help us, Hacer. Ikaw na lang pag asa namin ni Mira." Lumapit ako dito at pinagsiksikan ang sarili sa hammock. "Ang init, Ara. Doon ka sa kabila." Pagtataboy nito sa akin na inilingan ko. "No, dito lang ako." Tanggi ko at yumakap pa sa braso niya at mas pinagsiksikan pa ang sarili sa hammock kahit masikip na talaga. "Help me, Hacer. Please..." naglalambing na pakiusap ko. "How can I help you---if you didn't want to go out on your rooms?" He said and caressed my hair. That's Hacer. Ganyan siya kalambing sa aming lahat. He's showy to us pero ang cold naman sa labas. Sinasabihan ko nga siya lagi ng plastic kaso tinatawanan niya lang ako. "Okay, we'll try." Pagpayag ko basta tulungan niya lang kami. "Don't just try, Ate Ara. Do it," "Okay, okay, gagawin na po." Napipikitang payag ko. Wala ding mangyayari kapag hindi ako makikinog kay Hacer. Magtitiwala ako sa mga suggestion niya. "Tomorrow night, see you at my bar. Start changing your atmosphere, Ate Ara. Enjoy and have some fun." Napangiwi na naman ako. Bar is too loud to handle. "Maingay doon, Hacer. Wala na bang ibang bar? Yon bang hindi maingay?" Tanong ko na ikinatawa na naman niya. "Saan ka nakakita ng bar na hindi maingay? Bar ang gusto mong puntahan o simbahan?" Tumatawang tanong nito. "Hacer naman, ih! Ano ba talaga?" Hopeless na sambit ko. "Just trust me, Ate Ara. I'll help you changed. Hindi naman sinasabi nina Dad ma maging lasengga kayo at playgirls. They just want you and Mira experience life outside. Nag aalala sila sa inyong dalawa kaya ganyan sila. Hindi niyo masisisi sina Dad, Ate Ara. So, no choice kayo. Just let them see that you tried. Gusto lang nila ang makakabuti sa inyo, Ate Ara. Bonus nalang daw ang apo." "What? Apo? Hindi pa ako ready, Hacwr Jusko! Hihimafayin ata ako sa mga nalalaman ko." Bulalas ko. "Nasa sa inyo na iyon, Ate Ara. Nasa tamang edad na kayo and having a baby is normal pero dapat sa taong papakasalan kayo at aalagaan." Napabuntong hininga ako sa sinabi nito. Hinilig ko ang aking ulo sa balikat nito at napaisip. He's right after all. Wala namang mawawala sa amin kung sakaling ipakita namin na sinusubukan namin ang gusto nila. Atleast makikita nilang sinusubukan namin. Baka sa paraang iyon---tumigil na sila. "Okay, okay, we'll be there. Ako na bahala kay Mira. Kukumbisihin ko siya. Saka, wala din naman siyang choice. Shall I bring my friends too?" Tanong ko at sumulyap dito. "Of course, Ate Ara. You can bring them." Napapalakpak naman ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay kasama ko ang mga kaibigan namin. So, hindi ganoon kahirap. "Libre mo?" Tinusok tusok ko ang braso niya. Baka maubos ang allowance namin kapag nagkataon. "It's on me, Ate Ara. Kilala naman kayo doon ng mga staffs ko kahit hindi nila kayo nakikita. Yun nga lang hindi nila masasabi kung sino si Ate Ara at Ate Mira. You two are identical, so, don't you dare play with my staffs. Okay?" Bilin nito na ikinasaludo ko at humilig ng muli sa ballikat nito. " So, walang magaganap na pasabog ngayong gabi? " Tanong ko kapagkuwan. Doon kasi ako mas kinakabahan. Umiling ito, "nothing will happen tonight. Gusto lang nila kayong balaan and they are using me. But---expect more of these. Baka magulat na lang kayo isang araw---engagement party na pala ninyo ang susunod." Sambit ni Hacer na mas ikinayakap ko sa braso niya. "I know it will happen kapag hindi kami kumilos. So, gagawin namin lahat para magbago. Just be on our aide to guide your ate's, okay?" Sumusukong saad ko. Kahit anong protesta namin ay walang mangyayari kapag desidido ang nagpaplano. Nakatitig kaming dalawa sa maliwanag na buwan. Mas prefer ko ang ganito kaysa doon sa loob na ang daming tao. Naprepressure ako mas lalo. Tapos, mas okay dito, para makapag isip pa ako ng mga paraan para tumigil na ang mga magulang namin. And I know that only Hacer can help us, for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD