Kagigising ko lang and it's almost twelve in the afternoon. Ayoko pa sanang bumango kaso nagugutom na din ako. My stomach is calling me and telling me to go to the kitchen.
Napainat ako ng aking mga kamay at humikab. Antok na antok pa ako. Anong oras na kasi ako nakauwi kagabi. Gusto nga akong ihatid ni Hacer kaso hindi ako pumayag. May dala naman kasi akong sasakyan.
And thinming of last night, nawiwindang talaga ang aking mga brain cells sa mga pinagsasabi ni Dad sa akin kagabi.
My God!
How could we have a parents like them? Hindi nga kami ina-arranged marriage pero pinupush naman kaming mag asawa. As if naman sobrang tanda na namin. Kainis sila ng sobra.
Yes, we are lucky yo have a parent like them but at the same time---malas. Sila ang magulang na hihilingin talaga ng bawat anak. But, these days? Parang binabawi ko na. Ayaw ng fixed marriage pero isasabak sa mga blind date. Hay naku!
We are enjoying our single life but why are they pushing us too far? Ganoon na ba kami katanda to settle down?
Hay naku!
Napapabuntong hininga at naiiling na lang ako habang bumabangon. I never told Mira about what Dad said. Tulog na kasi ito pagkauwi ko. Ayoko naman siyang gisingin dahil baka hindi na siya makatulog pa kung sakali. Mag iisip na siya ng bongga at ayoko namang mangyari iyon.
Kaya nga ngayon ko pa lang sasabihin kapag nagkita kami sa baba. Nag eecho nga sa pandinig ko ang sinasabi ni Dad na "no excuses". Kawawang Mira, masasabak na siya sa unang parusa niya dahil sa hindi niya pagsipot. They don't have any consideration at all. Talagang gumagawa sila ng paraan and I really can't believe them.
Basta ako? I'll trust Hacer for his plan. Mas mabuti ng may plano para kahit papaano ay hindi kami maleft behind at magulat sa mga gagawin pa lang ng magulang namin. Eventhough alam ko na may mga nakaabang na sa aming plano from dad.
Nakakafrustrate talaga ang magulang namin ni Mira. Napabuga na lang ako ng hangin habang nag iisip kung paano ko sasabihin kay Mira lahat.
Nang makarating na ako sa sala. Nakita ko ang busy'ng Mira habang nagbabasa ng libro. Our haven. Ang kaligayahan namin kahit na nasa loob lang kami ng apartment na ito. Kahit kailan talaga ay buhay na namin ang magbasa.
"Hey," tawag ko dito habang naglalakad palapit. Ngumiti ito sa akin at tinapik ang katabi nitong espayso. She seems very happy. Parang ayaw ko tuloy sirain ang masayang awra ng kanyang mukha.
"I got the job offer and I'll be starting on monday. I knew I could do this. Matagal ko ng hinihintay ito and I'm really excited." Halata nga sa boses at mukha nito ang saya. Naguguilty tuloy akong ibalita sa kanya ang bad news mula sa mga magulang namin.
"I'm happy for you, Mira. I will support you always. We need celebration!" Bulalas ko, sakto pala ang plano ni Hacer para sa amin. Ang problema ko lang ngayon ay kung paano ko mapapayag ang babaeng ito? Same as me, allergic din sa maiingay na lugar.
"I'll call them!" Dugtong ko pa, pero deep inside naghahanda at nag iisip ng tamang tiyempo at tamang words para hindi ito magreact ng bongga. I know how she'll freak out.
"Okay, I would love that. Lunch celebration o dinner?" She asked smiling.
"Hindi naman pwede ang lunch kasi tanghalian na. So, I'll go with the dinner, but not quite dinner." Pinilit kong hindi mapangiwi. Thinking about going to a bar---really feels uncomfortable.
Dahan dahan kong inuumpisahan ang pagsasabi dito para naman hindi ako mahirapan. Kaysa itago ko sa kanya mas maguguilty ako. Balak kasi namin ni Hacer na wag nalang sabihin at dalhin ko na lang siya doon. But knowing Mira---baka biglang magwalk out doon. At mas mahirap pa man ding suyuin ang kambal ko kapag timopak at nagtampo.
"What do you mean not quite dinner?" Nakakunot noong tanong niya. "Are you hiding something, Ara? Nagsisinungaling ka na ba sa akin?" Tinitigan niya ako ng maigi.
"Hell no!" Agaran kong sagot. Kahit isang beses ay hindi ako naglihim sa kanya. Kaya nga ito---kahit hindi ko alam kung paano sasabihin pero pinipilit kong magsalita. I don't want her to think about lying dahil ayoko ng ganoon.
"Defensive?" Tinaasan na niya ako ng kilay. Did I sound so defensive?
I sighed.
"No, Mira. Kilala mo ako, I never lied to you even once. Kaya nga hirap na hirap akong magsabi about what happened last night. Alam kong ikakafrustrate mo kapag nalaman mo." Saad ko at napasandal nalang sa upuan. Ako nga nafrufrustrate, siya pa kaya kapag nalaman niya? Hay naku!
" Then tell me what happened. Is that bad or good?" Hindi maipintang tanong nito at tinitigan niya ulit ako sa aking mata. "But based on your facial reaction---I know it will be a bad news for me. Is it that bad?" Tumango ako na ikinangiwi niya. "How bad?"
"Real bad and a warning for me, too." Makatotohanang sagot ko.
"What did Dad say?" Sa wakas ay siya na ang nagtanong.
"Deal is deal, any excuse doesn't count even if that excuse is important. Excuse na lang daw kapag health na ang pinag uusapan. So, you know the answer." I answered.
Humarap ako dito ng tuluyan at hinawakan ang kamay niya. I want to comfort her pero ako din ay hindi din macomfort ang aking sarili. Alam naming kahit magprotesta kami ay wala kaming magagawa. Minsan lang magkaganito ang mga magulang namin. And to the fact na sa amin pang dalawa. It's frustrating. Triple frustrating.
" Is this our fault or our parents fault?" Nakatulalang tanong nito sa akin. Based sa mukha nito she knows what will happen next.
"Maybe our fault, Mira." Honestly speaking, yan di ang sagot ko sa aking sarili. "Masyado tayong nagkulong sa apat na sulok ng kuwarto natin sa bahay. They just wanted us to come out of that four corners. And enjoy life outside. Kaso matigas ang ulo nating dalawa at hindi natin sila sinusunod."
Oo, nagagalit din ako sa parents namin because of all this things. Pero kahit saang sulok ko tignan---sa amin pa rin ang bagsak dahil tama si Hacer. They can't do this to us if we live the same as our siblings. Kaming dalawa lang talaga ang naiiba.
" Siguro nga, sinabi ba kung kailan nila ako ipapadate?" Nag aalala ng tanong niya na ikinailing ko.
"Dad told that he'll call if it's settled. Kaya maghanda handa ka na." Paalala ko na ikinabuntong hininga niya.
"What should we do?" Napapabuntong hiningang tanong niya at napasandal na lang sa upuan. Wala na talaga kaming magagawa kung hindi kumapit kay Hacer.
"I have a plan---" I cut myself off ng maalala ko na si Hacer pala ang may plano.
"What plan?"
"Actually, Hacer's plan." Pagtatama ko.
"What's his plan? Matutulungan ba tayo ng plano niya?" Tanong nito at itinaas ang dalawang paa sa sofa. Mabilis ko siyang ginaya at tumingin sa kisame.
"We don't know. Mas okay ng may ginagawa para magtigil ang parents natin. Let's just pray that it would work." Saad ko at pinisil ang kamay nito. "So, are you gonna listen now?"
Tumango ito, "kakapit na lang muna tayo sa plano niya, if that doesn't work---then we'll plan again and again hanggang tumigil na sila."
"Okay, here it is. We have to start dating, bar hopping, going out as what our parents want. And---" she cuts me off.
"Wait wait, wait." Pagpapatigil nito sa akin at itinaas pa ang kanyang kamay sa ere. "Did I heard it right? Dating? Bar hopping? Seriously?" She rolled her eyes. She's disgusted by the way she pronounce those words. Halatang allergic talaga. Hay naku, same as me pero wala siyang choice.
"Yep, we're serious, Mira. Nasa sa'yo na kung ayaw mo, hindi naman ako ang mahihirapan. Walang mawawala sa atin, Mira. We'll just try." Pagkukumbinsi ko dito dahil halatang aayaw na agad pagkarinig palang niya ng dating. Jusko! Ganyan na siya lagi.
"Dating is the worst, Ara. You know that I really hate dating." Nakangiwing sambit nita at binuksan ang kaharap naming tv bago nanghihinang napaupo.
"But you're going to have a blind date soon, Mira. Kailangan mong sanayin ang sarili mo." I said at lumipat sa harapan nito at umupo sa table. "Kumbaga, practice makes perfect." Biro ko na lang na ikinairap niya.
"Bakit, Ara? Kailangan pa bang practisis ang pagdedate para maperfect?" Sarkastikong tanong niya na nginusuhan ko. Ang galing talagang mangbara ng kambal ko. Superb!
"I don't know, maybe we can google it online. Baka magka idea tayo." Pagpupush ko pa na nginiwian niya.
"Kailangan ba talaga iyon? Google because of dating? It's insane, Ara. Why don't we just ask Hacer?" She said.
"Okay lang naman na tanungin natin siya but it's awkward, Mira. Let's just try google. Kapag nagtanong naman tayo sa tatlo---malamang tukso ang abot natin." Umiiling na saad ko. Iniisip ko palang ang tatlo, alam ko na ang kalalabasan.
"Do we really need that?" pag uulit niya pa na tinanguan ko.
"We need it para hindi tayo nganga kung sakali. We have to learn the do's and dont's. Hindi naman tayo inosente pero para tayong mag bagong panganak na walang alam. Kainis. I didn't see this coming. Kung kailan matanda na tayo saka tayo nangangapa."
"I hate it, Ara."
"Me too, but we have no choice."
"Dad and Mom didn't give us a choice either."
"Nagbigay naman sila but it will always leads us to their plan. So, anong magagawa natin?" I shrugged.
"What about the bar chuchu na yan?" Pag iiba nito ng topic. Halatang ayaw niyang pag usapan ang mga magulang namin sa ngayon.
"Second plan, we have to start going out to a bar. And for your info pala, we are being monitored." Pagpapaalam ko na ikinamulat nito ng kanyang mga mata.
"What? Seriously? Monitored? Who?"
"Who else do you think?" Balik tanong ko sa kanya na ikinamaktol niya.
"Nakakainis, Ara!" Bulalas niya at napatayo.
"Where do you think you're going?" Tanong ko at sinundan ito sa paglalakad.
"I will comfront them about that monitoring. Kainis! That's privacy. Dad and Mom are going too far." Sambit niya at tuloy tuloy na naglakad palabas.
"Do you think they'll listen? Do you think may paki sila kahit magngawa ka sa harapan nila? No, Mira, because I did that last night. At anong nangyari? Nothing happens. Mas naging desidido pa sila. Sige go amd comfront them baka madagdagan lang ang blind date mo." Pananakot ko, which is impossible to happen naman. Just like Dad says.
Kasi what's the use? Ako nga hindi pinakinggan siya pa kaya? Narinig ko ang frustrated nitong pagpapadyak na parang bata.
" Kainis talaga! No! They'll listen to me. " Pangungulit nito.
I shrugged again, " okay, suit yourself. Balitaan mo ako kapag nagkausap na kayo. Goodluck sa'yo." Akmang tatalikod na ako ng maaalala ko na hindi siya marunong magdrive. "Paano ka pupunta sa kanila?"
"I'll drive." Seryosong sagot niya na mahina kong ikinatawa.
Sheyt! Patnubayan niyo po ang kambal ko. She's worst when driving. Kawawa ang kotse namin kung sakali.
"Okay, sinabi mo. Hindi bale marami kang pera na pampaayos ng kotse natin. Mag iingat ka," I said at naglakad na pabalik ng sofa. "And oh by the way!" sigaw ko dito pagkaupo ko. "Magbihis ka ng suot mo and combed your hair. Para kang ginahasa kasi sa hitsura mo." Habol na sigaw ko.
"Waahhh! I hate it!" Sigaw nito sa may pintuan.
"One, two---" hindi pa ako tapos magbilang ng makita ko na siyang pabalik at grabe ang simangot niya. Abot hanggang langit. Tapos may kasama pang padyak padyak hanggang sa pasalampak itong naupo sa tabi ko.
"Tell me what's the plan." Nakapikit na saad niya na ikinangiti ko. "I'll go with the other but not with the dating chuchu na yan."
"It's up to you, Mira. For me, I'll do everything matigil lang sina Dad. In your case---ikaw na magdecide. Ang hirap ng minomonitor, noh. They know everything we do, kaya kung ako sa'yo---decide for the best." Advise ko sa kanya na ikinailing niya lang.
"I won't go with that dating, bahala sila." Pagmamatigas niya na alam ko namang hindi din magtatagal. Hindi naman niya kayang suwayin sina Dad. Ngayon lang yan pero kapag kaharap parang kuhol din na magtatago sa shell niya.
"So, I was saying---Hacer had a plan na sinang ayunan ko na. And hindi ko alam kung papayag ka, so I'll discuss it to you. Okay?" Tumango na lang ito at tahimik na nakatingin sa akin. Hindi pa din maipinta ang kanyang pagmumukha. "Hacer overheard everything that Dad and Mon says. Hindi niya alam kung sinasadya ba nilang iparinig sa kanya ang lahat o hindi. So, nag isip siya ng way para tulungan tayo."
"Matutulungan ba tayo niyan just in case?"
"Fifty fifty ang chance natin. Atleast we tried."
"So, ano bang suggestion ni Hacer?" Tila nahihikayat ko siyang umaggree. And that's good.
"Ganito iyon, he wants us to follow what our parents want. Kahit mga ilang linggo lang. He'll see kung gumagana. We have to go on dates, lumabas tayo kahit every other day, go to a bar. Drink alcoholic beverages, but not too much. Mapapatay tayo ni Hacer kapag nagpakalasing tayo. Lahat ng gusto nilang gawin natin---we will do it. Huwag na nating hintayin na sila pa ang gumawa. If we don't succeed, we'll go on the second plan which is wala pa siyang naiisip. Kaya sa plan A muna tayo hahawak at magtitiwala. Pero nararamdaman ko na magtatagumpay tayo, Mira. Just trust Hacer. Alam mo na siya lagi ang taga solusyon ng problema ko, right? " Pagpapaalala ko dito na tinangutanguan pa niya.
" Tama ka diyan, Ara. I agree but not with the dating. Ayoko niyan and that's final." Pinal na talagang sambit niya at iminuwestra pa nito ang dalawang kamay habang umiiling.
" Pero may blind date ka?" Pagpapaalala mo.
Nagulat ako ng yumakap ito sa aking braso at naglalambing. May pasundot sundot pa itong nalalaman. Ay pucha! Parang alam ko na ang kasunod ng lambing niya.
"Alam mo namang ayaw na ayaw ko ang ganyan, Ara. Hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi mo ba ako tutulungan?" Pagpapaawa nito.
Napasampal nalang talaga ako sa aking noo. Sinasabi na nga ba, eh. This is Mirabella at alam niyang hindi ko siya kayang tiisin.
"May magagawa pa ba ako? Kahit naman humindi ako, eh, kuntodo konsensiya naman ang aabutin ko kapag nagkataon. I know you a lot, Mira. Hay naku. Kaya kitang saluhin ng ilang beses, Mira pero not until the end. Kaya kailangan mo ding umaksiyon, okay?" Ngumiti ito sa sinabi ko at yumakap ng mahigpit.
" Kaya mahal na mahal kita, Ara. Di bale, babawi ako in time. Kapag matapos ko lang ang mission ko---everything will not be hard for me. Konting pasensiya na muna sa akin, ha? " Malambing na saad niya.
" Of course, Mira. Kain na tayo, nagugutom na ako." Aya ko sa kanya na ikinangiti niya pa mas lalo at nauna ng tumayo para tumungo sa kusina.
That mission she was talking about is impossible. How many years? Fifteen years. Jusko! Napapailing na lang akong sinundan si Mira sa kusina at tinulungang mag ayos. Selene did her part pero pinapadala na lang niya sa driver niya ang niluluto niya para sa amin ni kambal.
Nakangiti na kaming dalawa habang tinitignan ang mesa. It's sinigang na baboy. Our favorite. Kahit na problemado ay nagagawa pa din naming ngumiti dahil wala din kaming magagawa kung hindi ang hanapan na lang ito ng solusyon.