NARATING na nila ang Batangas Port at nakaabang sa daungan. Nakakalat na din ang buong tropa sa lugar. Namataan ni Myrrh ang isang cruise ship na padaong. At maya maya pa ay may 10-wheeler truck na container van ang humimpil sa may daungan at isa isang may binababang kahon papunta sa cruise ship. "Cervantes, kayo ang bahala alamin anong laman ng kahon na yun" wika nya "Copy, Commander" Patakbo na sana sya papuntang daungan ng nakarinig ng mga iyakan ng babae.. Nagtago sya saglit sa may likod ng isang container van at inabangan ang nangyayari Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang mga babae na binababa sa truck ng container van at dinala din papuntang cruise ship. "Bingo!" wika nya. Tinapat nya ang camera dito para marecord ng malinaw Mabilis syang tumakbo papunta sa cruise ship.

