Nang mahimasmasan ay kumalas sya kay Yled. Hawak pa din nito ang beywang nya at tiningala nya ito. Pinunasan nito ang luha nya at kinintalan sya nito ng mabilis na halik sa labi at muli syang kinabig para yakapin "Salamat at ligtas ka. Halos mabaliw ako sa paghahanap sayo" bulong nito sa kanya Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap ay nakita nya si Wallad na paika ika dahil sa tama ng bala sa hita "Wallad! You okay?" dagli nyang nilapitan ito para i-check "Medic!" sigaw nya "Yeah I'm fine, don't worry daplis lang" wika nito pero nakangiwi "Sorry for what happened to your brothers, Wallad." malungkot na wika ko Tinapik nito ang balikat ko "Mananatiling buhay ang lahat ng alaala nila at kabutihan ni Kuya sakin. Mahirap, malungkot pero kakayanin ko dahil alam kong hindi magiging masaya

