MADALING araw daw sya tatakas. Yun ang oras ng pagpapalitan ng bantay. Hindi sya pwede magspeedboat dahil madali syang mamamataan kaya by land ang tatahakin nya. Sa dulo ng kakahuyan ay may motorbike itong iniwan para magamit nya. Naghanda na sya sa pagtakas, nagstretching pa sya para kung sakaling mapalaban. Maya maya ay naramdaman na nya ang pag click ng lock ng pinto tanda na bukas na ang kwarto Dali dali nyang sinukbit ang mga armas na pinuslit ni Wallad para sa kanya. Maingat ang mga yabag na tinungo nya ang pinto at dahan dahan nyang inikot ang seradura nito. Nang mabuksan ay inawang nya muna ito ng konti at sumilip sa labas bago nakatingkayad na nilabas ang katawan sa pinto at maingat na sinara pabalik at nilock ito. Nakayuko syang naglalakad suot ang black t-shirt at ripped

