Dinala nya ang bata sa isang stock room. "Dito ka lang muna ha. Babalikan ka namin mamaya. Huwag ka ng matakot ligtas ka na." wika nya dito habang hinahaplos ang buhok nito "Salamat po ate" at niyakap sya nito. Agad syang lumabas at pinindot ang relo ng suot bago nagsalita "TEBBS Team, may bata sa stock room. Yung within the area secure nyo nalang sya." "Copy that" boses ni Dimitri.. Hmm asan kaya ang impaktong Yled? Binaybay nya ang papunta sa lower deck ng cruise ship. "Team, anong balita sa mga kahon na binaba kanina?" wika nya "Positive, Commander. Drugs po ang laman. Ininspeksyon ng mga tauhan ng Jang nakunan din po namin. Nakaantabay na kami sa palitan nila mamaya ni Mr. Tan" wika ni Cervantes "Good. Report to me from time to time" "Copy, Commander" "Peregrina, na c

