"Ahh, Fidel ano po?" Tanong ko rito dahil baka mali lang ang hinala ko. "Fidel Hanson, iha" Sagot nito.
Wait, wait, wait. Kaklase ko pala 'yung Fidel na 'yon? What the Grinch. Ayoko na po Lord, kanina pa po s'ya lumilitaw sa paningin ko. What if magpakain ako sa lupa? Ayoko na sa eksena ko sa buhay!
"Amm, excuse me po. May Fidel Hanson po ba dito" Malakas na tanong ko sa class room. Nasa harap pa kami ng pintuan ni lola hawak hawak yung mga gamit na dala n'ya kanina.
Ang lahat ng kaklase ko ay napatingin sa'kin. Mga echosera, para naman silang nakakita ng multo. Nakita ko ang dalawa kong kaibigan na papalapit sa'kin. Chismosa talaga 'tong dalawa.
Habang naglalakad ang dalawa ay napansin kong may nagtaas ng kamay sa may bandang likod. Si Fidel 'yon. Tumayo ito at nagsimulang maglakad papunta sa direksiyon namin. Matangkad pala s'ya, kitang kita sa pormahan n'ya na mayaman talaga ang lalake, kita rin sa mukha n'ya ang pagkamasungit dahil sa makakapal na kilay at singkitin nitong mata.
"Yes?"Mahinhin na sagot nito.
Ang lapit nya masyado. Ang sakit sa ilong! Bakit ba kasi pabango n'ya 'yan. Mukhang kamatis na naman ako nito. Kinakati na naman ilong ko, e.
"Ah, yung lola mo kasi hinahanap ka" Sambit ko.
Panay tuloy ang kamot ko sa ilong kaya namumula na na naman. "Ba't ka namumula, Ashiya!" Sigaw ng kaklase ko. Loko 'yon, ah! Nagkantsawan ang lahat dahil ang akala ata nila ay kinikilig ako sa lalakeng 'to. FYI, mataas standard ko sa lalake no! 'Di ako kikiligin sa kan'ya dahil lang gwapo at anak s'ya ng may-ari ng Hanson's School.
Pabango palang. Bagsak na.
Umalis na ako sa pintuan para naman makapag-usap silang dalawa. Halata sa lola n'ya na sweet and caring ito sa kan'yang apo. Sana lahat. Nakatalikod naman si Fidel kaya hindi ko alam ang itsura n'ya habang nag-uusap sila. Hindi ko rin alam ang pinag-uusapan nila, baka yung sa project? Hays, bahala na nga. Iinom na 'ko ng tubig, kanina pa 'ko uhaw na uhaw. Epal kasi yung tindera sa canteen!
"Uy, who's this kinikilig" Sambit ni Elah sa'kin.
Umupo 'to sa bakanteng upuan na malapit sa upuan ko. For sure uusisain na naman ako n'yan.
"Anong kinikilig? Neknek. Makati lang ilong ko, masyado kasing matapang yung pabango n'ya, e" Pasigaw kong sagot sa kan'ya.
"Chill. Nag-joke lang naman si Elah, masyado mo namang dinedeny Iya" Singit na sabi ni Gwen habang tumatawa ito. "Sige ka baka mag-isip kami n'yan" Dagdag pa nito.
"Baliw talaga kayong dalawa" Huling sambit ko at inirapan na lamang sila dahil dumating na ang next teacher namin. Wala na rin 'yung lola ni Fidel at s'ya. Mukhang tapos na silang mag-usap.
Nagsimula nang magstart ang klase. Esp time kami ngayon, kaya medyo inaantok at tahimik lang ang class room ngayon. Lagi naman kasing active ang section namin lalo na sa recitations. Syempre, A- Class section ba naman. Madalas sa math at english nag lalabanan ang mga kaklase ko, recitations at quizzes din. Kahit 3rd week palang, ramdam mo na 'yung tension ng pagiging competetive ng lahat, e. Syempre, 'di ako papatalo.
"Maaari n'yo bang maibigay ang ibig sabihin ng materyal na kalikasan ng tao" Pagtatanong saamin ng guro.
"Ma'am" Tinaas ko ang kamay ko.
"Yes, Mr. Hanson"
"Ang human body ang pangunahing sangkap ng isang materyal na kalikasan ng tao. Ito ay katangian na nag-aasam ng kaginhawaan at patuloy na nagpapanatili rito. Tinuturing na tulay ng kalooban ng isang tao patungo sa pisikal na gawain ng tao at kumikilos sa pamamagitan ng pandamdam at emosyon"Mabilis at malakas na pagsasalita ni Fidel.
Ako dapat 'yong sasagot, e! Mang-aagaw talaga kahit kailan. Ang dami ng tinanong ni Ma'am Chavez, tapos kung kailan nakataas na kamay ko magbibida bida s'ya. Ewan ko ba, galit na galit ako sakanya. Ah basta, nakakainis s'ya.
"Salamat, Mr. Hanson. Base sa sinabi ni Mr. Hanson, ngayon ay ibigay ninyo naman ang dalawang uri ng pandamdam at ano ang ibig sabihin nito" Pagtatanong muli ng guro. "Yes, Ms. Lorenza"
Tumayo ako. "Ang dalawang uri ng pandamdam ay ang panlabas na pandamdam at panloob na pandamadam. Ang panlabas na pandamdam ay ang mga bagay na nagagawa natin gamit ang pisikal na anyo sa ating katawan, katulad ng paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pansalat o paghawak. Ang panloob na pandamdam naman ay ang mga bagay na nagagawa natin ngunit hindi ito ginagamitan ng pisikal na anyo ng ating katawan bagkos ay utak at ispirituwal naman natin itong nararanasan, katulad ng kamalayan, imahinasyon, memorya, at likas na reaksyon"
"Maraming Salamat, Ms. Lorenza. Good answer. You may sit down" Sambit ni Ma'am Chavez.
Shuta nanuyot lalamunan ko ro'n, ah. Buti nalang talaga nag advance study ako kagabi. Kaya wala akong tulog ngayon dahil pagkatapos ko tulungan si papa, nag-aral na rin ako pagkatapos. Ayoko naman na wala akong masagot, hindi ata kaya ng konsensya ko, tapos inagawan pa ako kanina ng Fidel na 'yan. Hindi pwedeng hindi ako bumawi. Ano sya, sinuswerte.
Sawakas! Natapos din ang pasok namin. Makakauwi na rin ako. Kamusta na kaya ang papa, baka nagtatahi na naman maghapon 'yon, ayaw pa naman no'n magpahinga kapag rush 'yung ginagawa n'ya.
Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna na ako dahil marami pa'kong gagawin sa bahay, sumang-ayon naman sila dahil alam naman nila ang buhay ko. Naglalakad na ako sa hallway papuntang main gate ng school. May mga dala akong libro na makakapal kaya medyo mabigat dalhin. Hineram ko muna sa library para makapag advance study ako sa bahay. Palabas na sana ako ng biglang, natisod ako sa bato-bato. May nakaharang palang bato? Nadapa pa ampota. Ang tanga tanga naman Iya.
"Do you need help?"
Nagkatinginan kaming dalawa. Shet ang pogi! Hindi ko naman inaasahan na mala K-Dramma naman pala 'tong highschool life ko, nagsisimula palang ang school year pero kinakabog na ng life ko ang #kathniel. Mukha s'yang 6 footer, nakasuot pa 'to ng Taekwondo Uniform, kakagaling lang siguro sa training.
"H-hindi. A-ano. Okay lang po, kaya ko na po 'to" Utal utal kong sagot sa kan'ya. Isa isa ko nang kinuha ulit ang mga nahulog kong libro. Nako hindi pwedeng masira 'to! Iiyak talaga ako. Wala akong pambayad para dito.
Bigla naman s'yang umupo para tulungan akong kumuha ng nahulog na libro. Hindi na 'ko nag salita pa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Kinikilig ba 'ko o sadyang nahihiya kasi nakita n'ya akong madapa? Parang both ata, bhie.
"Thank you" Tanging sinambit ko bago umalis.
Nginitian ko naman s'ya bago ako umalis, ayoko naman maging rude b*tch sa kan'ya. Nasa labas na ako, nag-aantay ng jeep. Gusto ko nang maka-uwi, hiyang hiya na ako. Habang nag-iintay ako ng masasakyan ay may nakita akong nagtitinda ng fishball-kwekwek kaya napabili muna ako bago makasakay. Pumara na'ko ng jeep dahil tapos ko nang makain 'yong binili kong fishball at saka palamig.
Pag-uwi ko ng bahay ay bumungad naman ang makalat na mga gamit sa sala, puro gupit gupit na retaso ng tela ang nakapaligid. Wala na si Papa sa makina n'ya, natutulog na siguro. Nilagay ko muna ang gamit ko sa kwarto at nagbihis na rin, saka naman ako bumalik sa sala para makapag walis muna at malinis ang sala. Naghugas na rin ako ng plato pagkatapos kong linisin 'yung sala, kakaunti lang naman ang huhugasan ko dahil dalawa lang naman kami ni papa sa bahay.
"Pa, anong ulam natin?" Tanong ko kay Papa ng makita ko itong kakagising lang . Mag-gagabi na rin kasi, kakasaing ko lang din ng huling bigas namin. "Nak, sardinas lang ang kaya ni Papa ngayon. Okay lang ba?" Sagot ni Papa.
Parang may tumusok sa lalamunan ko nang marinig ko ang sagot ni Papa. Mukhang hirap na hirap na talaga s'yang magtrabaho mag-isa. Kahit araw araw pang magtrabaho si Papa hindi pa rin sapat para sa'ming dalawa 'yon. Tanging pagtatahi lang ang kayang gawin ni papa, minsan nakakaluwag pag maraming nagpapatahi madalas kakaunti lang ang nagpapatahi kaya short lagi si papa sa pera. Gusto ko nang makapagtapos, para ako na ang magtatrabaho sa pamilya namin, ayoko nang makita si Papa na araw araw nakatingin sa makina halos mabulag na kakatitig sa tinatahi. Malapit na Pa. Malapit na.
"Kamusta ang pasok n'yo, Iya?" Tanong ni Papa.
Kumakain na kami ngayon, sardinas at itlog ang ulam namin, dinagdagan ko ang pera na binigay ni Papa, galing sa baon ko kanina ang pinangdagdag ko dahil mukhang kukulangin kami sa isang sardinas lang.
"Ayos lang naman, Pa. Tatakbo akong SSG sa school namin ulit tapos kaklase ko pa rin naman sila Elah at Gwen kaya mayroon pa rin akong nakakausap. Medyo mahirap 'yung new lesson namin sa Mathematics, pero kaya ko naman" Sagot ko kay Papa.
"Pagbutihin mo lagi ang pag-aaral mo, Iya. Pag mahirap magpahinga, pag hindi mo na kaya andito ako, makikinig ako, ilabas mo lahat ng pagod mo sa'kin. Andito lang ako, Anak"
Parang gusto nang tumulo ng mga luha ko, tanging si Papa lang ang lalaking kaya kong mahalin ng lubos. Ang sakit pakinggan na kaya n'ya akong sabihan ng gan'to, pero pag sarili na n'ya, nag sasarili na lang s'ya. Alam na alam ni Papa kung paano pagaanin ang bigat ng pakiramdam ko.
"Mahal kita, Pa. Gagawin ko lahat. Lahat lahat. Para sa'yo. Maraming salamat, Pa" Huling sinambit ko kay Papa bago kami natapos na kumain. Hinalikan lang n'ya ako sa noo at nagpaalam na dahil papasok na s'ya sa kwarto n'ya para matulog ulit. Nagligpit na 'ko ng mga pinagkainan at pumasok na rin sa kwarto ko para mag-aral.
Natapos ko nang tapusin lahat ng assignments namin at nakapag basa na rin ako, kaya makakapagpahiga na ako. Kinuha ko muna yung cellphone ko para tignan kung meron ba akong message. Syempre GC lang, ano panga ba. Wala naman akong nakita na nag personal message sa'kin, puro group chat lang, ang ingay ingay pa ni Elah sa main GC ng section namin si Gwen naman react lang ng react sa mga chat ni Elah at syempre ako taga seen lang sa kanila, nakakahiya kaya makipag-usap. Papatayin ko na sana yung data ko kaso may nag pop up na notifaction galing sa f*******: ko.
Fidel Ramirez has sent you a friend request.
HUH. Si Fidel ba 'to?
Pinindot ko pa yung profile para tignan kung s'ya ba talaga 'yon.
WTF?
Ba't ako inadd ng mokong na 'to? May atraso ba ako rito? Mema, baka napindot n'ya lang, 'di ba may mga suggestion kemerut na nalabas sa f*******:. Baka napindot lang. Bakit nga pala Ramirez? Akala ko ba Hanson apelyido nito.
Hindi ko na pinansin dahil baka napindot lang. Ayoko naman maging assumera na inadd n'ya ako dahil nagagandahan s'ya sa'kin? I mean ako na 'to, e? Ang ganda ganda ko kaya, lalo na sa profile ko, kaya kabog ang mga model ng Maybeline brand kapag ako ang nag model sa kanila. Charot. Antok lang siguro 'to.
Paalis na 'ko ng bahay ngayon para pumasok. Naka white turtleneck long sleeve top, high waisted pastel brown trouser, and sandals na black ako ngayon, naka high bun tail din ang buhok ko na may onting hulog na buhok sa magkabilang gilid. Dahil Intrams Day ngayon, free dress kami kaya kahit ano ay pwede namin masuot except sa maiiksing damit, pinagbabawal 'yon sa school namin.
Nasa labas na ako ng bahay namin, nag aabang ng jeep. Medyo maaga pa naman ako, 7:30 am palang ngayon, 8am pa naman ang start ng event kaya makakapag byahe pa'ko. Matagal makapagpara ng jeep sa may labas ng bahay namin kaya dumeretso nalang ako sa intayan ng jeep, sa may kabilang kanto lang naman 'yon kaya kaya ko pa na lakarin.
Kaloka talaga pag umaga, ang hirap magpara ng jeep, buti nalang talaga nakasakay na 'ko. Sawakas! Totoo ka, Lord! 7:45 am palang. Kaya pa 'to. Batang may laban ako, e. Halos puno na ang nakasakay sa jeep na sinasakyan ko, buti nalang medyo maluwag pa sa kaliwang upuan no'ong sasakay na 'ko. Makakaupo pa. Laban kahit siksikan. Nakakupo ako sa may likuran ng driver, malayo sa babaan ng jeep.
Ang init, ha.
"Oh! Kasya pa kasya pa sa kaliwa toy kaliwa" Malakas na sigaw ng driver ng jeep.
Ampucha. Sikip na sikip na nga rito. Kung isiksik kaya kita dito, kuya? Leche naman.
Tumigil ang jeep para sa sasakay. Hindi ko masyadong makita dahil naglalakad pa s'ya papalapit ng jeep. 'Di ko na 'to pinansin at nagbukas nalang ako ng phone o. Bahala s'yang sumiksik, sakay sakay pa s'y, ha.
Puro story na agad ang iba kong mga kaklase sa Intrams event ng school namin. Wow ang aaga, ah. Pati 'yung dalawa may story na. Nag reply ako sa story ni Elah.
:Kapag may event ang aga, kapag may pasok naman dinaig mo pa nakatira sa probinsya. Ang tagal tagal makapasok.
:Syempre, makakakita ng pogi, e. MInsan lang 'to hehehe.
Tumawa nalang ako sa reply ni Iya at binaba na ulit ang phone ko. Medyo kumakati na naman ang ilong ko. May nagpabango na naman siguro ng matapang. Anak ng teteng talaga, oh. Napalingon 'ko sa kanan ko para hanapin 'yong pabango na 'yon.
Kaya naman pala.