Chapter 1

2117 Words
Disclaimer: This story contains purely fictitious persons, schools, and scenes. Warning: Grammatical Errors Ashiya Lorenza - (a-syi-ya-lo-ren-sa) Fidel Hanson- (pi-del-han-son) "Bhie, meron kana bang assignment para sa Science? Pakopya ako! Dalina, please please" Tumingin ako sa hawak n'yang intermediate paper. Mukhang may nakalimutan na naman akong sagutan, paspasan ko na lang 'to dahil mayroon pa akong meeting sa Student Council mamaya. "Patingin nga ako" Kinuha ko ang papel n'yang hawak hawak para makita kung mayroon na ba s'yang naisagot kahit papaano. Nanakit ang mga ugat ugatan ng utak ko nang makita ko ang papel ni Shielah. Juskong babae to! May tamadaytis ba 'to? Kung hindi ko lang s'ya kaibigan baka matagal ko na ata 'tong nasabunutan! "Kaya naman pala, kaya pala minamadali ako kase wala ka pa palang sagot. Leche!" Umirap ako. Umupo ako sa upuan ko para kuhanin 'yung notebook ko sa Science. First Quarter palang pero mamamatay na ata ako. Nasa volcanic eruptions palang kami pero feel ko ako yung sasabog! "Thank you so much, ililibre nalang kita mamaya, babawi ako sayo promise!" Wow ha, ang lakas talaga mang-uto nito eh. Halatang kilalang kilala ako kung paano mapa-oo. "Oo na neng, sasagutan ko na bigay ko nalang before lunch break" Sagot ko. Niyakap n'ya lang ako at saka umalis para makipagdaldalan sa mga kachikahan n'ya. Kaya andami 'ko ring nalalaman sa school na 'to eh, hanep ba naman sa dami ng nasasagap na issue 'tong si Elah. Journalism nga naman. Sinimulan ko nang sagutan ang assignment namin dahil malapit na rin mag time at baka pumasok na ang teacher naming sa Science. First subject pa naman naming 'yon. Hays, kainis talaga! "Oh bakit, aga aga salubong na naman 'yang dalawa mong kilay dinaig mo pa si Madam Kilay" Biglang sulpot na sabi ni Gwen. Tumawa nalang ako at hinampas ko s'ya ng notebook kong hawak dahil tapos ko nang masagutan ang assignment ko. "Aray! Ang sakit sakit no'n, ha!" Reaction n'ya nang hampasin ko s'ya. "Kaya wala kang babae eh, pabwisit ka kasi lagi sa umaga" Sagot ko sa kaniya. "Aray! Mas masakit 'yon ha" Oa na sagot nito, habang hawak hawak ang kaniyang dibdib at umaarteng kala mo'y may sakit sa puso. Inirapan ko na lamang s'ya, tumawa lamang 'to at umupo na sa likuran ko. Doon kasi s'ya nakaupo. Nagsimula na ang klase kaya't tuhamik at bumalik na rin ang lahat sa kani-kanilang upuan. Aantukin na naman ako nito. "That's all for today's lesson. If you have anything to ask for, nasa library lang ako" Huling sambit ng teacher ko bago s'ya umalis ng classroom namin. Buti na lang hindi hinanap yung assignment naming ngayon! Maaayos ko pa 'yong ibang sentence. Mukha kasing mindali ko lang yung sagot, e. Wala kaming teacher ngayong time na 'to, nagbigay lang ng gawain teacher namin kahapon dahil sabi n'ya ay hindi raw muna s'ya makakapasok ngayon. Hindi naman sinabi kung anong dahilan. Okay lang, atleast makakapagpahinga muna 'ko. Napuyat kasi ako sa pagtulong kay Papa na magtahi, 'yon kasi ang kabuhayan ni Papa mula noong bata pa lamang ako. Palagi s'yang nasa makina magdamag at nagtitipa ng makina para makapag-tahi at kumita ng pera. Ako naman ang tumutulong sa pag-gupit ng mga sinulid na natitira kapag tapos na n'ya 'tong tahiin. "Bhie, tara na lunch break na oh! Libre kita. Mamaya mona lang ibigay 'yung sagot, hehe, 'di naman pala kukunin ni Ma'am 'yon ngayon. Tara na!" Yaya ni elah sa'kin, kasama si Gwen. Nasa canteen kami ngayon. Mahaba na ang pila dahil maraming studyante ang nakikipag-unahan talaga para makabili. Ikaw ba naman, 40 minutes lang lunch break mo tapos pipili kappa ng kakainin mo at saka pipila sa canteen para makakain. Depende nalang kung may baon kang dala, happy happy ka nang makakakain. "Pumila na tayo. Mamaya maunahan pa tayo, e" Naiiritang sambit ni Gwen. Inip na 'to si Gwen. Parang ilang sagundo nalang mananapak na, e. Ako na unang pumila para makasunod na sila sa'kin, alam ko namang hindi kaya ng dalawang 'to ng wala ako. Akon a ata nanay ng dalawang 'to. "Doon tayo sa may kabila" Turo ni Gwen sa uupuan namin. "Totoo ang diyos, nakabili na tayo ng maaga-aga" Sambit naman ni Elah na para bang hingal na hingal, dinaig pa ata tumakbo ng Pasay hanggang Makati. Kumakain na kami ngayon, 20 mins pa naman bago mag start ang next class namin. "Shet! Nalimutan kong bumili ng tubig. Bili muna 'ko ha" Paalam ko sa dalawa at dali daling bumili ng tubig dahil malapit na ang start ng klase. "Ate, tubig po 15 pesos" Sabi ko sa tinder ng canteen. "15 pesos water po" Narinig kong sambit ng lalakeng katabi ko. Ambango n'ya, mas matapang pa sa tatay ko 'yung amoy n'ya. Napa aching tuloy ako, allergic kasi ako sa mga matatapang na pabango. Napatingin ang lalake sa'kin kaya medyo nahiya ako. Nakita ko ang buong mukha n'ya, ang gwapo. Makapal ang mga kilay niya, may pagkasingkit ang mga mata, kita rin sa kaniya ang mapupusok at mapula nitong labi, at kapansin pansin rin ang pagkamistiso ng lalakeng 'to. Naka complete uniform pa ang lalake, mukhang matinong studyante, ah. Naglabas ng isang tubig ang tindera, nagulat ako nang iabot n'ya 'to sa katabi kong lalake. "Eto po bayad ko, Ate" Inabot ng lalake ang bayad at nginitian 'to. Pacute ampota. "Ate, 'yung akin po?" Tanong ko. "Isa na lang yung tubig namin, neng" Sagot nito. Kumukulo dugo ko sayo, te! "Bakit po sa kan'ya mo binigay, Ate? Nauna po akong bumili" Mahinhin ko pang sagot sa tindera. "Anong gagawin ko? nauna ko s'yang nakita, e" Huling sagot nito habang nakataas ang isang kilay at saka umalis na para maghugas ng plato. Bwisit 'yon, ah! Nilayasan ako. Kagigil ampota, 'di naman pantay kilay n'ya. Halata namang kaya n'ya binigay 'yon sa lalake dahil gwapo 'yon. 5 minutes tuloy akong nakatayo sa harap ng nagtitinda, nakatitig, iniisip 'yong nangyare. Bumalik na ako ulit kung nasaan sila Elah at Gwen. Habang naglalakad ako, naalala kong after lunch break nga pala 'yung meeting ng Student Council, tatakbo kasi ako bilang President ng SSG. Matapang ako, e. President na dapat, graduating na naman, e. Last shot na 'to, tol! Nagmadali akong lumapit sa dalawa para sabihin na mauuna na ako, inabot ko na rin 'yong excuse letter. Syempre handa ako, 'di na ulit ako makakantsawan nila Elah na may quiz na naman ng wala ako. Ulol kayong dalawa! "Prepared, may excuse letter na" Sambit ni Elah at dahan dahang tumingin kay Gwen ng may ngiti sa labi. Parehas pa silang nakangiti. Leche talaga kayong dalawa! Umirap nalang ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa, umuna nang kuhanin ang mga gamit ko para makaalis na 'ko. Late ako ng 4 minutes, buti nalang ay hindi pa sila nagsisimula. Nandito na ang mga Head Teachers at Guidance Teachers sa harap. Lahat ng candidates ay mukhang nandito na rin. Umupo nalang ako sa last row, pinakahuling upuan. Bakit may extra pang upuan dito? Ang alam ko sakto lahat ng upuan dito para sa mga kalahok. Umupo na ako dahil malapit ng mag start ang meeting. Ilang sandali ay nagulat ako ng marinig kong umusod ang upuan at may biglang umupo sa tabi ko. Napalingon ang lahat sa kan'ya, pati ako. Anak ng teteng, oh. Eto 'yung lalakeng katabi ko kanina, ah? Bwisit na 'to. Papansin, e. Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa, nakita kong hawak hawak n'ya pa rin yung tubig na binili n'ya kanina. Akin 'yan, e. Bwisit. "Let us greet our school's son, Fidel Hanson" Pasingit na sabi ng Head Teacher. Pumalakpak naman ang lahat sa kaniya. Syempre ako, hindi. Anak pala 'to ng may-ari ng school. Kaya naman pala mukhang artistahin, mayaman din tignan. Umirap na lang ako at tinutok na ang sarili sa harapan dahil baka hindi ko matantsa ang sarili ko, matulak ko 'to bigla. Ayoko pang mawala ang full scholarship ko at matanggalan ng good moral. Tumayo ang lalake at kinawayan lamang ang mga tao na nandito sa loob ng SSG room. Pag upo nito ay amoy ko parin ang amoy n'ya kaya medyo kumakati na naman ang ilong ko. Ano ba 'to, namumuro na 'to sa'kin. Magmumukha akong kamatis mamaya pag nag salita sa harapan. Inusod ko ng kaunti ang upuan ko papalayo sa kaniya dahil baka maaching na naman ako. Mukhang napansin nitong umusod ako kaya napalingon 'to saakin. Hindi naman ako lumingon sa kan'ya at pinagpatuloy ang pakikinig sa harapan. Napansin kong nakatingin pa rin ang lalake sa'kin, base sa peripheral vision ko. Papansin, ah. Pangalawang araw na ng SSG election at nakabuo na rin kami ng sari-sarili naming party list, kung kahapon ay nagmeeting kami para sa mga guides bilang isang Student Leader, ngayon naman ay pagpapakilala na ng mga candidates. Hindi na naman ako ganoong kinakabahan, dahil 3 years na akong nag serve bilang Student Supreme Government. Iba nga lang kasi ngayon. Lagi lang akong nasa Vice President position dati, kaya medyo kinakabahan ako sa mundo bilang isang tunay na Student Leader. "Ashiya Lorenza, running for the position of President" Pagsasalita ko sa harapan. Sunod sunod din nagpakilala ang mga kasama ko sa party list. Isa isa rin tinanong ang bawat party list. 'Di naman ako na inform Q and A pala 'to. Inuna ng tinanong ang ibang party list, hanggang sa kami na ang huling tinanong. "For you, being a future Student Leader. Do you take it as your passion or responsibilities?" Tanong ng isa sa mga Head Teachers. "For me, I always see myself as Student Leader, gusto kong maging leader kung saan nakikita kong mas nagiging mabuti ang lahat ng studyante. Maging mas aktibo sila sa paaralan at passion nila, maging inspirasyon ng bawat kabataan na piliin ang tama at mapunta sa maayos na desisyon sa buhay, makatulong sa mga batang walang boses, at maaksiyonan ang mga studyanteng nahihirapan sa kanilang pag-aaral. Hindi lang dapat ang paaralan ang inaangat ng isang Student Leader, dapat na ang bawat mag-aaral din. Para na rin 'tong nagiging passion para sa'kin dahil mahal ko ang tumulong at maging gabay sa mga batang walang kakayanan para sa lipunan, irespeto ang desisyon ng bawat isa, at maging tagapakinig sa mga taong nahihirapan at inaalipusta. Hindi lang basta responsibilidad ang pagiging isang Student Leader bagkos ay isa din dapat itong maging passion para sa atin na mahalin ang ating trabaho, dahil naniniwala ako na 'kung mahal mo ang isang bagay na ginagawa mo, tatangayin ka nito patungo sa magandang resulta sa kinabukasan" Agad na nagsipalakpakan ng malakas ang mga tao nasa harapan ko ngayon. Ramdam ko ang pagkahanga ng lahat sa sinabi ko kanina. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti dahil sa mga taong napamangha ko. Sobrang saya ko. Napaka saya ko. May this be a sign to lead me as a good leader and guide me not only as a leader but also as a good person for everyone. Bumalik na ang lahat sa upuan. Umupo na ulit ako, sa bawat hakbang ko ay naririnig ko ang tawag ng ibang party list ng SSG at sinasabing ang galing galing ko raw kanina. Masaya naman akong nagpapasalamat sa lahat bago ako makaupo. Nang nasa upuan na ako ay hindi ko namalayan na wala na pala 'yong lalakeng katabi ko kanina. Hahayaan ko na s'ya, basta masaya na akong nakapagsalita ako sa harapan ng maayos at nasabi ko ng tunay kung ano ang gusto kong sabihin sa lahat. Kan'ya na 'yong tubig! Natapos na ang meeting at pabalik na sa aming class room. Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong may lola na naglalakad sa daan, mukhang hindi pa ito ganoong katanda siguro ay nasa 50's ito, makinis parin ang kaniyang mukha at halatang kutis mayaman ito, at mukhang marami rin 'tong dala kaya't nilapitan ko ang matanda. "Lola, okay ka lang po ba? Ako na po dyaan sa iba n'yong dala" "Nako ay ayos laang ako, maraming salamat sa pagtulong iha, doon lamang 'to sa may class Room 418 pinapadala kasi ng apo ko ang mga gamit na 'to para daw sa project n'ya. Mukhang naiwan n'ya sa pagmamadali kagabi, puyat na puyat siguro kakagawa nitong project na 'to" Kwento ng matanda habang kami ay naglalakad papunta sa room kung saan n'ya dadalhin ang mga gamit. Room namin 'yun, ah? Room 418. Sakto, hindi ako late dahil maaga rin natapos ang meeting namin kaya makakahabol pa'ko for our next subject, matutulungan ko pa si lola. Nakarating na kami sa room 418, tama nga ako room namin 'to. Kagagahan ko talaga, pati number ng room ko hindi ko na alam! "Iha, pwede mo bang matawag yung apo ko. Si Fidel" Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi sakin ni lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD