bc

GAYUMA

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
second chance
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Hindi niya inaasahan noong latagan siya ng asawa ng annulment paper isang araw. Wala siyang nagawa noon kung hindi umiyak na lamang. Hanggang sa may maisip siyang paraan para makatulong sa pagbabago ng isip nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malakas ang kabog ng dibdib niya habang nagpapalakad lakad sa loob ng bathroom nila ilang minuto pa lamang ang nakakalipas pagkagising. Ramdam niya ang pinaghalo-halong emosyon, kaba at excitement, sa kung anong malalaman noong mga oras na iyon. Samantalang nasa harapan naman niya ang asawa na kasalukuyan nang nakasuot ng casual attire, ready nang pumasok sa trabaho. Ito ay si Arnulfo Ledesma, ang butihing Mayor ng lungsod ng Camarines Sur. Paalis na sana ito nang pigilan niya. Tumayo ito at sumandal sa lababo, habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Iyon na yata ang pinakamatagal na tatlong minutong paghihintay na ginawa nila makita lamang ang resulta sa test kit na pinatakan niya ng sariling ihi noong umagang iyon. Kung magkataong positive ang kalalabasan noon ay mababago noon ang takbo ng pagsasama nilang mag-asawa. Matagal na kasi nila iyong hinihintay. Kung baga dumating na ang sagot sa matagal na nilang panalangin. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang alarm ng phone na s-in-et niya tanda ng tapos na ang three minutes waiting time nilang dalawa. Sa puntong iyon ay sabay silang napatingin sa maliit na bagay na tila ba isang puting stick na nakalapag lang sa ibabaw ng countertop katabi ng lababo. Isang pregnancy kit iyon. She took a test this morning para malaman na nagdadalang tao na siya. Ang excitement na naramdaman niya kanina ay napalitan ng disappointment nang makitang negative ang result. Nagkatinginan silang dalawang mag-asawa at as usual ay napasimangot ang lalaki. Napabuntong hininga pa ito kasabay ng pagdampot sa bagay na iyon at padabog na itinapon sa basurahan na nandoon din sa loob ng banyo. “I just wasted my time!” inis nitong sambit habang magkasalubong ang mga kilay na nag walk out. “I’m sorry, Mahal, pero baka hindi pa talaga ito ang tamang panahon para mabigyan tayo ng baby, tiis-tiis ka lang,” hinabol niya naman ito. “Hanggang kelan pa tayo maghihintay? Almost five years na tayong kasal? We tried everything! Masyadong maraming pera na ang nagagastos natin to think na okay naman daw tayo? What could be wrong?” sambulat nito sa kanya nang pumaharap ito. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng asawa. Indeed, they tried everything, kabilang na ang pinakamahal na paraan para mabuntis sa tulong ng siyensya. Katunayan nga katatapos lang nilang mag undergo sa IVF procedure pero heto, sa pangatlong pagkakataon ay hindi nagtagumpay iyon. Ewan ba, for some unexplained reasons ay hindi nabubuo ang mga embryos once naipasok na sa kanyang ovary. Sabi ng Doctor nila wala namang problema when it comes to their overall health, but that was until nitong nakaraang araw noong bumalik ulit siya dito para magpakonsulta sa mga kakaibang nararadaman sa sarili. Napapansin niya kasi na medyo lumalala ang mood-swings niya, pati na ang madalas na p*******t ng ulo. “What?” tanong nito nang tila naramdaman na may inililihim siya. “I went to the Doctor the other week. She told me na may hormonal imbalance raw ako at bumaba ang estrogen ko,” mahinang saad niya. Ayon sa doctor niya, sa mababang bilang daw ng estrogen niya ay mas mahihirapan siyang magbuntis. “It’s ridiculous! Paano nangyari ‘yon when you’re still young?” naguguluhan nitong tanong. Ang alam kasi nito ang mga nakaka-experience lang ng mga ganoong bagay ay ang mga pre-menopausal na kababaihan lamang. “Hindi ko rin alam, Mahal. Pero huwag kang mag-alala, sabi niya, in my case masosolusyunan pa naman daw. In fact binigyan pa niya ako ng mga vitamins, at list ng mga pagkain na dapat kainin,” medyo pinasigla niya ang boses sa pagsasabing iyon, akala niya kasi ay gagaan rin ang loob nito pero hindi. Lalo pa itong nagdabog, at tinalikuran siya. “Anong magagawa niyan? Dati nga na wala ka namang problema hindi na tayo makabuo, ngayon pa kaya?” pabalang nitong sagot. Binuksan nito ang pintuan at noong makalabas mula roon ay pabalibag na isinarado. Natigilan siya sa tinuran nito. Ngunit naging aligaga rin nang maalalang hindi pa nag-aagahan ang asawa. Pababa na siya sa unang palapag ng kanilang bahay nang marinig niya ang pag-andar ng sasakyan nito at mula sa bintana ay nakita niya ang paglabas ng awto sa kanilang bakuran. She felt bad na umalis itong hindi man lang nagpaalam sa kanya. Napabuntong hininga siya, kasunod ng paglunok ng laway sa pinipigilang emosyon. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata nang mapaupo na lamang sa pinakahuling baytang ng kanilang hagdanan. All of a sudden ay bigla na lamang bumigat ang kanyang pakiramdam. Bakit ba tila sinisisi na siya ngayon ng lalaki sa hindi pa niya pagbubuntis, eh hindi niya naman kasalanan iyon. Actually, walang may kasalanan sa sitwasyong pinagdaraanan nila ngayon. Hindi naman niya ginusto na huwag pang magbuntis. Kung siya lang ang masusunod naka-ilang supling na yata sila by now. Pero hindi. Hindi nila saklaw kung ano man ang plan ng Diyos sa kanila, kung kelan sila bibigyan ng anak nito. Ang nakakasama lang ng loob ay hindi naman ganoon ang ugali ng asawa. He used to be supportive everytime na madi-disappoint sa tuwing makikita ang negative result sa hindi na niya mabilang na pregnancy test na binili. Palagi nilang kino-comfort ang isa’t isa noon, pero ngayon, bakit napanghihinaan na ito ng loob? At sa kanya pa ibinubunton ang sisi sa misfortune nila pagdating sa bagay na iyon. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang malaglag ang malalaking butil ng mga luha sa kanyang mga pisngi. Sabi ng kanyang Doktor ay huwag na lang daw muna siyang mag-expect na mabubuo iyon sa ngayon, pero dahil sa mag-iisang linggo na siyang hindi dinadatnan ng buwanang dalaw, kasalanan niya bang umasang muli? Maglilimang taon na silang nagta-try na mag-asawa at sa tuwing nangyayari ito, alam niyang mas doble ang sakit na nararamdaman ng kabiyak dahil sa pagitan nilang dalawa, ito ang mas mataas ang yearning na magkaroon agad sila ng anak, kahit noon pa mang katatapos pa lamang nilang ikasal. Bumalik siya sa kuwarto at ilang minuto ring nagmukmok doon kahit pa tinatawag na siya ng mga kasambahay para kumain. Hinayaan niyang i-validate ng sarili ang kanyang feelings dahil wala namang magco-comfort sa kanya kung hindi siya lamang. Pagkatapos ng ilang sandali ay pinahid na niya ang luha sa mga mata, tumayo, humugot ng buntong hininga at kapagkuwan ay inilabas ang pilit na ngiti sa mga labi. Kailangan niyang i-cheer up ang sarili, para rin sa pang-sariling kapakanan. Ayaw niyang ma-stress dahil baka makadagdag problema lang iyon sa kanyang kalagayan. Maya-maya pa ay napagpasyahan niya nang kumilos upang simulan ang araw. She has a yoga schedule today, at pagkatapos ay maggo-grocery siya, magluluto at hahatiran ang asawa sa office nito ng paborito nitong ulam. Sigurado siyang matutuwa ito. Ever since kasi na nahalal bilang Mayor sa kanilang lungsod ang asawang si Arnulfo, naging busy na ito at hindi na sila nagkakasabay kumain lalong lalo na sa tanghalian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook