Chapter 4

994 Words
Dumating ang araw ng linggo. Siya ang naging punong abala sa trip nilang iyon. Mula sa pag-iimpake ng mga bagahe, hanggang sa mga kakailanganin nila sa airport. Ang ginawa lang ni Arnulfo ay maging buntot niya at sumusunod sa kung saan siya magpunta dahil madalas ay nasa telepono ito kausap ang mga pinagkakatiwalaang tauhan sa munisipyo. “Mayor Arnulfo Ledesma! Carmina! Hows my favorite couple?” bati sa kanila ng Ninong nila sa kasal nang magkita kita sila sa resort. Katabi lang din nito ang asawa na malaki rin ang pagkakangiti sa kanila habang binibeso sila isa isa.. “Ayos naman po Ninong. Kayo po, kamusta?” ngumiti si Arnulfo pero pilit. Pilit rin ang pagpapasigla nito ng boses. “Eto, pagod sa trip, however we are happy. We are finally retired, so hangga’t malakas pa, gusto na naming malibot ang buong mundo,” sagot nito na pinukulan pa ng pansin ang katabing asawa. “That’s good to know po,” matipid na sagot nito na halata namang walangganang makipag-usap. “So, I heard nag-a-undergo kayo ngayon ng IVF? How’s everything?” Hindi ito nakasagot kung kaya si Carmina na ang sumingit. “Unfortunately po, wala pa pong nabubuo but we’re keep on trying pa rin,” inakbayan niya ang asawa sa bewang na siyang napatingin naman sa kanya. Na-bother ito sa sinabi niya pero hindi na lang nagpahalata. Paano nga naman niya nasabing nag ta-try sila eh halos one month na na hindi sila nagtatalik. “Tama yan. Huwag mawalan ng pag-asa. Actually dumaan din kami sa ganyan. Matagal na panahon rin bago kami nagkaanak. Mabuti nga ngayon at may help na galing sa siyensya. Dati ang option lang namin ay sumayaw sa Obando,” napatawa ito sa sarili sa sinabi. “Alam namin na mahirap ang pinagdaraanan ninyo pero huwag kayong papaapekto sa pressure, bata pa naman kayo. And most especially take care of your mental health, importante ang suporta ng bawat isa. Lagi ring magdarasal for guidance. Siya lang ang nakakaalam kung kelan darating ‘yan. But I can assure you, that will come soon. For now, make yourself ready sa malaking pagbabagong darating sa buhay ninyo, hindi rin madali ang magkaroon ng anak,” magiliw na saad nito sa mag-asawa. Napangiti lang naman sila sa advice ng matandang Ninong. Kung alam lang nito na in a few months ay maghihiwalay na sila, at dahil nga iyon sa hanggang ngayon ay bigo pa rin silang makabuo ng supling. Sa ilang araw na pag-stay nila roon ay nag enjoy naman sila. Naghanda ng mga activities ang mga magulang ni Carmina para sa kanilang lahat upang maging memorable ang trip nilang iyon. Nariyan na ang diving, cruising at island hopping. Sa gabi ay may sauna at masaheng naghihintay sa kanila pagbalik sa resort. Hindi man aminin ni Arnulfo ay nakatulong iyon upang mag-detached sandali sa trabaho. Sa ilang araw na pag stay nila doon, sinubukan nilang mag-usap ng masinsinan tungkol sa pinagdaraanang suliranin ngunit palaging tumatalikod lang ang lalaki sa tuwing nagkakainitan na sila. Pinipilit naman nilang huwag ipahalata sa mga kasama roon na on the rocks na ang marriage life nila at kung hindi dahil sa napagkasunduan ay baka hindi na sila napagkikitang magkasama ngayon. “Ako na,” prisinta niya nang makitang nagkandahirap sa pagpahid ng ointment ang asawa sa mga kagat ng mga insekto sa katawan. Sensitive ang balat ni Arnulfo lalo na sa kagat ng lamok. Kung kaya sa tuwing pupunta sila sa ibang lugar na gaya nito ay palagi siyang may dalang gamot para dito. Hindi naman na nakatanggi ang lalaki noong kunin niya ang hawak nito. Pinatalikod niya ito dahil marami itong pantal sa likuran, pagkatapos malagyan ang mga iyon ng gamot doon ay pinaharap niya naman ito upang lagyan pa ng ointment ang iba pang pantal na nakaligtaan nitong lagyan sa dibdib. Doon ay hindi na nila naiwasang matitigan ang isa't isa. Tila ba nagpapakiramdaman sila at paulit ulit na dumako ang paningin nito sa mga labi niya na wari ba ay gustong hagkan ang mga iyon. Hindi na siya nagpakipot pa noong ilapit niya ang mukha dito, ngunit hindi pa man naglalapat ang kanilang mga labi nang inilag nito ang mukha, tumalikod, pumunta sa higaan, nagkumot at ginawang busy ang sarili sa paggamit ng cellphone. Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan niya. Naisip niya tuloy, hindi pa ba gumagana ang orasyon sa gayuma na pinagawa niya sa matandang babae? Paano’y nami-miss niya nang makaniig ang asawa pero ayaw niya namang pilitin ito patungkol sa bagay na iyon. Nagpapasalamat na lang siya at hanggang ngayon ay nakikisama ito sa napagkasunduan nila. Kahit pa isa lang ang ibig sabihin ng pakikisamang iyon, iyon ay ang katuparan ng kagustuhan nitong makipaghiwalay na sa kanya. Malungkot na pumasok siya sa banyo para asikasuhin naman ang sarili, pagkalabas niya ay himbing na sa pagkakatulog ang asawa, hinagkan niya ito sa pisngi at natulog na rin. *** “Wow! This is such a great achievement, mahal! I'm happy for you!” nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang isang imbitasyon para kay Arnulfo. Gagawaran daw ito ng award sa pagiging isang huwarang Mayor sa dami ng projects na natapos nito sa loob ng halos apat na taong panunungkulan nito sa kanilang lungsod. Hindi ito sumagot ngunit halata na wala ring paglagyan ang tuwa ng lalaki. Namomroblema lang ito sa kung anong susuotin sa darating na araw na iyon noong marinig niya itong kausap ang isa pang kaibigan nito sa telepono. Sa mismong oras na iyon ay nag-order siya ng damit nito sa sikat na mananahi. Alam niya ang type nitong design, pati na ang sukat nito kung kaya hindi na niya ito tinanong pa. Samantalang bilang asawa ng Mayor ay kasama rin siya sa inimbitahan sa nasabing okasyon ngunit hindi na siya bumili pa ng bagong damit dahil napagpasyahan na lamang niyang isuot ang damit na binili nito sa kanya noon pa na hindi niya pa kailanman nagagamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD