"Pauwi ka na ba? Kalalapag lang ng eroplano sa NAIA. Can't wait to see you," wika ni Luke sa kanya habang kausap niya ito sa telepono. Galing ang asawa sa Japan kasama ang isa nilang doktor para kausapin ang isa ring medical facility na gustong makipagsosyo sa kanila dito sa Pilipinas. Mayaman sa kaalaman ang Japan tungkol sa ciencia. Malaking bagay iyon sa pasilidad nila. Tatlong araw ang mga ito roon na unang pagkakataon na nagkahiwalay sila ni Luke mula nang ikasal noong isang taon. "Naglalakad na ako sa campus papunta sa parking lot. Napakatagal magbigay ng class cards ang mga professor." Minadali niya ang paglalakad dahil hindi niya gustong mauna pa si Luke na makauwi sa bahay. "See you in a bit, mahal. May pasalubong ako sa 'yo na tiyak na magugustuhan mo." "Ikaw lang sapat na,"

