San Diego, California... "Your divorce papers will be released soon, Braxton," wika ng Half American Half Filipina niyang kaibigan na isang abogado. Pinaboran na ng korte ang pag-file niya ng divorce sa asawang si Nova. Sa wakas ay makakalaya na siya. "Thank you, Suzette." Bagama't nakaramdam na siya nang kaluwagan sa dibdib ay hindi pa rin maituturing na masaya ang araw na ito. He just ended a marriage. Sa kabila ng mga nangyari, a failed marriage is still a failed marriage. And he used to love her. "What are your plans now?" "Babalik ako sa Pilipinas. Itatama ko ang mga pagkakamali ko." "But she's married now, Brax, paano mo itatama ang pagkakamaling 'yun?" "I don't know. All I know is that I need to ask for forgiveness. Hindi ko rin naman inaasahan na patatawarin niya ako kaagad.

