Maagang umuwi si Maliyah dahil hindi maitago ang pamamaga ng mata sa pag-iyak. Nakita iyon ni Braxton kanina nang magpaalam siya pero dahil nasa opisina ang Papa nito ay hindi sila nakapag-usap. Alas otso ng gabi ito dumating sa condo at nagulat nang makitang naka-empake na siya. Agad itong yumakap sa kanya. "Please, listen to me first, Maliyah." "Ano pa bang paliwanag ang kailangan kong marinig? Niloko mo 'ko!" "I'm sorry... I'm really sorry... Hindi ko sinasadyang mahalin ka." "Sinungaling ka!" "Totoong minahal kita, Maliyah. Hindi ako nagsisinungaling sa damdamin ko sa 'yo. Hindi ko alam kung paano ako kakalas kay Nova dahil nakatakda na ang kasal namin noon pa. Pero ikaw ang mahal ko. Totoong minahal kita..." "May kasintahan ka pero hindi mo sinabi sa 'kin?!" "Dahil natatakot di

