"Ginabi ka na..." "I had a little argument with my father." Naamoy niya kaagad ang alak sa hininga nito at ang bigat ng balikat ng binata nang pumasok sa condo. Alas onse na ng gabi. Ito ang ikalawang gabi na uminom ito dahil nagtalo na naman ang mag-ama. "Lagi naman kayong hindi magkasundo na mag-ama. Ano pa ba ang bago?" biro niya na hindi nginitian ni Braxton. Sa halip ay buntunghininga ang pinakawalan nito. "Hindi mo na dapat ako hinintay. May susi naman akong dala." "Hindi lang ako sanay na natutulog nang wala ka pa. Gusto mo ng kape?" "Hindi na. Matulog ka na dahil lagi ka nang napupuyat sa kahihintay sa 'kin." "Wala ka nang kailangan? Coffee? Cold water?" "Ako na. Please... Matulog ka na..." Marahan siyang tumango nang makita niyang tila may mabigat itong dinadala. Ob

