"Hmmm... Smells good..." Yakap ni Braxton ang nagpatigil sa kanya sa pagsandok ng nakasalang na omelette. "Good morning," mahina niyang bati sa kasintahan. Itinuloy ang ginagawa at inihain ang niluto sa mesa. "Sa sobrang kalasingan mo hindi ka na nakapagbihis kagabi." "Yeah, I was too tired and exhausted." Nagsimulang magbukas si Braxton ng butones ng polo hanggang sa tumambad sa kanya ang mabalahibo nitong dibdib. Isinampay ito sa silya at muling yumakap sa kanya. "Kakain ka ba muna o maliligo?" "Pwedeng sabay?" bulong nito na kinagat nang bahagya ang tainga niya. "Naligo na 'ko. Maaga akong nagising dahil maraming trabaho ngayon sa opisina." "Pero wala pang alas siyete ng umaga. Masarap maligo nang may kasabay." "Braxton..." Gusto niyang pigilan ang kamay nitong naglalakb

