Pagbaba nila sa pool ay kumakain ng baked cookies ang mga bata. "I want to try baking, Daddy. I want to bake cookies like this. And cakes too." "You do? Gusto mong bumili ng gamit sa pagbi-bake?" "Yes, Daddy. Pwede ba akong mag-enroll sa baking class this summer?" "That's a good idea, baby. Ihahanap ka ng Tita Maliyah mo kung saan ka puwedeng mag-enroll ng baking class." Hawak ni Luke ang kamay niya habang pababa sila sa pool. Naka-swimming trunks ang asawa habang naka two-piece swimsuit naman siya. Tuwing weekends ay kasama na sa bonding ng pamilya nila ang paglangoy sa pool. "Masarap ba mag-swimming?" tanong niya sa anak na nasa hagdan lang ng pool at nakakapit sa bakal na hawakan. "Hindi siya marunong mag-swim, Tita," sabi naman Lincoln. "Takot siya mag-swim." "Hindi bale, mag-

