Chapter 27

1766 Words

Mansyon ang bahay ni Luke Lucero sa isang exclusive subdivision sa Pasig City. Apat na katulong kaagad ang sumalubong sa kanila. Pagpasok naman sa kabahayan ay ang dalawang anak ni Luke ang sumalubong at yumakap sa ama. "Kids, I want you to meet your Tita Maliyah. She's my good friend," wika ni Luke sa mga anak na halos binata at dalaga na. Matangkad ang mga ito kaysa sampu at walong taong gulang. Maganda pa kung manamit kahit nasa bahay lang. "Hi..." alanganin niyang bati sa dalawang bata. Hindi niya alam kung bakit sumisikip ang dibdib niya sa emosyon. Siguro ay dahil alam niyang wala ng ina ang mga bata at ngayon. Pagkatapos ay may sakit pa si Luke ngayon na maaaring bumawi ng buhay nito sa mga susunod na taon. "Hello..." alanganin ding sagot ng batang babae. "Introduce yourselv

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD