Chapter 9

2130 Words
Nakalapit na ang mukha ni Sir Braxton sa akin kaya ako napalunok. Ang mga mata nitong nangungusap ay sumusuot sa kaibuturan ng aking pagkatao. Nang dumampi ang halik niya sa mga labi ko ay hindi ako halos nakahinga. "You're the most beautiful woman I'd ever seen," wika nito sa akin bago muling inangkin ang aking mga labi. Napansandal na ako sa upuan habang inaalam kung paano ako tutugon. Mapusok. Maalab. Ang kaniyang kamay ay nakayapos na sa aking likuran. "Braxton..." Sa isip ko lang ang pag-usal ng kanyang pangalan dahil angkin pa rin nito ang mga labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sarap ng pagkakadugtong ng aming mga labi. Natupad na ang pangarap kong iibigin din niya ako pagdating ng panahon. Pag-aari ko na siya. Hawak ko na ang puso niya. "Maliyah." "Maliyah." Napapitlag ako sa pagtawag ni Sir Braxton sa akin at pagyugyog sa aking balikat. Napadilat ako at nakitang nasa parking lot na kami ng condo. Nakatulog pala ako at panaginip lang ang lahat. "S-sir..." "You were moaning. Were you having a nightmare?" Oh, gosh... Hindi ko ba nasambit nang malakas ang pangalan nito? Napaginipan ko si Sir Braxton na hinahalikan ako. Masarap na panaginip na hindi kailanman magkakatotoo. "Ah... oo... Masamang panaginip..." "Dahil sa pagod siguro. Halika na para makapagpahinga ka nang maaga." Bumaba ito at sumunod ako kaagad. Kinuha nito ang mga pinamili sa compartment. "Ako na ho..." "No, it's okay." Tuloy-tuloy ito sa elevator kaya nakasunod lang ako dito. Pagpasok sa elevator ay sumandal ako sa gilid at pumikit. Pilit kong ninanamnam ang sarap ng halik namin doon na akala ko ay totoo na. Simula nang makita ko siyang may katalik na babae ay hindi na ako tinantanan ng ganoong panaginip. Pagpasok namin sa condo ay inilapag ni Sir Braxton ang mga damit sa ibabaw ng kama ko. Hinubad din nito ang suot na t-shirt dahil naiinitan daw ito. Umiwas akong tingnan ang hubad nitong katawan. "Ang dami naman ho nito." Isa isa kong ininspeksyon ang mga damit na nasa apat na paper bags. Mahigit sampung pares 'yun. "Tinanong ko sa saleslady kung ano ang bagay sa 'yo." "Bakit hindi ako ang tinanong mo?" "Kasi tatanggi ka lang." Umismid ako pero mabilis na pinisil ni Sir Braxton ang dulo ng ilong ko. "Aray ko naman!" "Really, Miss Dimayuga? Iismiran mo 'ko imbes na magpasalamat?" "Nakakahiya kasi eh ang dami nito." "So what?" "Bahala ka nga." Nagulat ako nang puntahan pa nito ang closet at inspeksyunin ang mga gamit ko. "Uy, sir! Ano'ng ginagawa niyo?" Hiyang-hiya ako dahil binulatlat pa nito pati mga underwear ko. "What's your bra size?" "Di mo dapat alamin 'yun." "It was a simple question, Maliyah." "34." "34 what." "Ba't mo ba kailangang malaman?" "Sasabihin mo ba o ako ang susukat niyan?" tudyo nito na pinanindigan ako ng balahibo dahil bumaba pa sa dibdib ko ang mga tingin nito. "C." Kinagat nito ang mga labi habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin para huwag maakit sa mga ngiti nito. "Huwag mo na nga kasing pakialaman ang mga gamit ko." Lumapit ako pero itinaas lang nito ang hawak na ilang piraso kong damit. "These are so old fashion. Ipamigay mo na lang sa mga street vendors nakatulong ka pa." "Ayoko nga! Bakit ba pati damit ko pinakikialaman mo?" "Nagtatrabaho ka sa opisina ko at ikaw ang unang humaharap sa mga kliyente ng kumpanya. Gusto mo pa ba ng trabaho mo o hindi na?" Lagi na lang nitong panakot sa akin na matatanggal ako sa trabaho para mapasunod. Umirap ako at bumalik sa mga bagong damit na binili nito. Wala na akong nagawa nang ilagay niya sa isang paper bag ang mga luma kong damit at inilabas. Inalis ko naman ang mga tag price sa damit at itinabi para malabhan ko bukas. Inihiga ko ang katawan sa kama dahil sa pagod. Bumalik sa balintataw ko ang halik na nasa panaginip ko na naman kanina. Pangatlong beses nang naulit ang panaginip na 'yun na hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala sa sistema ko. Kapag nagkataon na malakas kong naiusal ang pangalan ni Sir Braxton kanina ay nabuking pa ako. Tuluyan na akong nakatulog sa pagkakahiga ko na 'yun dahil sa pagod. Paggising ko kinabukasan ay alas kwatro y media pa lang ng umaga. Lumabas ako ng silid para magkape at magmuni-muni. Masyado pang maaga para maglinis ng bahay at maglaba. Naghanap ako ng malulutong ulam sa ref. Bumili ako ng mga karne noong nag-grocery ako. Rice cooker at bigas lang talaga ang kulang. Nagluto na lang ako ng ham at itlog at gumawa ng clubhouse sandwich. Habang abala ako sa lababo ay may hangin akong naramdaman na umihip sa batok ko. "Ay kabayo!" Paglingon ko ay si Sir Braxton ang naroon at nakangiti. Humahalimuyak ang amoy ng menthol sa hininga nito. Kinilig din ako nang maramdaman ang mumunting balbas nito sa panga na lumapat nang kaunti sa balat ko kanina. Hayssss... Ang aga aga namang temptasyon ito... "Bakit ang aga mong gumising?" Inilayo ko nang kaunti ang katawan ko habang hawak ko ang kutsilyo para maghiwa ng kamatis. "Maaga din ho kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pagod." "Bakit hindi ka matulog pa ulit?" "Nagugutom na ho ako eh. At saka marami ho akong gagawin ngayong araw. Eh bakit kayo ho maagang gumising?" "Naalimpungatan lang ako tapos naririnig ko na ang kaluskos mo dito sa kusina. Ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" "Gumagawa ho ako ng clubhouse sandwich." Hiniwa ko ang ham at inilagay sa tinapay. Pinagpatong-patong ko ang rekado saka iniabot sa kanya. Pero sa halip na abutin 'yun ay hinawakan nito ang kamay ko saka iginiya ako na subuan ito. "Hmmm... So delicious." Kinuha ko rin ang kamay nito at pilit ipinahawak ang sandwich na kinagatan nito. "Sa 'yo na ho 'yan." "Try it." Itinapat nito ang sandwich sa bibig ko kung saan pa ito kumagat kanina. "Mayron din ho ako." Itinaas ko ang isa pang sandwich na katatapos ko lang gawin. "No, bite here." "Hindi na ho." "Takot ka bang madampian ng laway ko ang mga labi mo?" tudyo nito. "Hindi naman ho..." Hinawakan ko ang coffee maker para kumuha ng dalawang tasa ng kape. Mula sa peripheral vision ko ay nakikita ko ang pagngiti ni Sir Braxton. "May lakad ako mamaya, gusto mo sumama?" "Marami ho akong gagawin eh." "Hindi mo pa nga alam kung saan eh." "Eh kahit ho saan 'yan, hindi nga ho puwede kasi marami akong gagawin." "Okay... In case na magbago ang isip mo sabihin mo lang. Magkikita kami ni Cherry sa bar." "Si Cherry ho? Yung kainuman mo dito noong isang gabi?" "Oo. Sa bar naman kami iinom." "H-hindi na ho... Hindi rin naman ho ako talaga umiinom ng alak," sagot ko habang kinakain na ng panibugho ang dibdib. Sa hilig ni Cherry na humawak-hawak sa kung saang parte ng katawan ni Sir Braxton kapag nalalasing, tiyak na mauuwi ang dalawa sa kama katulad ng babaeng inuwi nito sa condo. Sumisikip ang dibdib ko sa inis. "Eto ho ang kape niyo. Papasok ho muna ako sa kwarto." "Thanks." Iniwan ko na si Sir Braxton sa kusina at pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. 'Bahala ka nga kung mapunta ka sa iba', wika ko sa sarili. Sa kabilang bahagi ng isip ko, gusto kong subukan na magpadala sa damdamin ko at sumama kay Sir Braxton kung saan man ako nito yayain. Pero sa kabilang bahagi naman ng isip ko ay tumututol dahil boss ko siya at kailanman ay hindi ito magkakagusto sa akin. Mahilig lang talaga itong lumandi ng babae. Kung bibigay ako, ako rin ang talo. Bukas makalawa ay ibang babae na naman ang gusto nito. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng buong unit. Habang nakababad ang mga damit na pinamili namin kahapon ay nag-vacuum ako ng at nagpunas sa buong unit. Alas onse ng tanghali nang magpaalam si Sir Braxton na pupunta sa gym. Huwag na raw akong hintayin sa hapunan dahil dederetso ito sa club para makipagkita kay Cherry. Halos matanggal yata ang kulay ng damit kakukuskos ko habang naglalaba dahil sa inis. Nagtanghalian ako mag-isa, naghapunan din akong mag-isa. Isang linggo ko pa lang sa condo pero ganito na ako ka-attach kay Sir Braxton. Noon pa naman kasi talaga ako may crush sa kanya. Alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakabukas lang din ang TV pero wala sa palabas doon ang itinatakbo ng isip ko. Aaminin ko nang nagseselos ako dahil si Cherry ang kasama nito ngayon. Nagkamali ba ako na hindi sumama? Halos alas dose na ng gabi nang patayin ko ang TV at magtungo sa kwarto ko para matulog. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit kailangan kong manghinayang na hindi ako sumama sa pagyaya niya. Wala naman akong karapatang mag-inarte o magselos ngayon kasi wala naman kaming relasyon. Kinabukasan ay matamlay pa rin ako dahil magdamag na hindi umuwi si Sir Braxton. Ibig sabihin, kasama nito si Cherry buong magdamag. Pumikit ako at sumandal sa silya habang nagkakape. Sigurado akong sa kama nauwi ang dalawa. Napailing na lang ako sa pagkababaero ni Sir Braxton. Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng damit mula sa pinamili namin kahapon. Nang makita ko ang sarili sa salamin ay napangiti ako. Naalala ko rin ang sinabi ng isang saleslady habang nagausukat ako ng damit noong isang araw. "Ang lalaki kapag walang commitment, lalandi nang lalandi 'yan.' 'Kung ako sa 'yo, babakuran ko na.' 'Pustahan tayo may gusto sa 'yo 'yang boss mo, ang ganda mo naman kasi talaga.' Nagpahid ako ng lipstick at naglagay ng kolorete sa mukha. Bagay na bagay sa akin ang suot kong beige pencil cut skirt at sleeveless floral blouse. Naka-tuck in pa ako para lumabas ang kurba ng dibdib ko at maliit na baywang. Itinaas ko rin ang buhok ko. Kahapon ng umaga ay hinipan ni Sir Braxton ang batok ko dahil sa ganitong ayos ng buhok ko. I felt confident. Habang naglalakad ay taas noo akong nakatingin sa mga kasalubong ko sa condo. Ngumiti ang ilan sa akin lalo na ang mga kalalakihan. Ganito pala ang pakiramdam kapag sa tingin nila ay kabilang ka sa mundong ginagalawan nila. Samantalang isang linggo na ako dito, noong mga nakaraang araw ay ni hindi man lang ako sulyapa ng ilang nakakasalubong ko roon. At para panindigan ko ang pagiging mayaman sa paningin ng iba, at para na rin hindi masira ang makeup ko sa init sa pag-commute, pumara ako ng taxi. Siguro naman ay isang daan lang ang aabutin ng metro dahil malapit lang naman ang Kalaw St. at Malate. Pagdating ko sa opisina ay namangha din silang lahat sa bago kong pananamit. Tuwang-tuwa sila sa nakitang pagbabago sa akin. Agad akong pinuntahan ni Edcel para usisain. "Ano ang nangyari sa dalawang araw na wala tayong pasok? Bakit hindi ako na in-form na may make-over na magaganap?" biro nito. "Anong make-over? Nakabili lang ako ng maayos-ayos na damit no." "Hmmm... Totoo naman, pananamit mo lang naman ang nagbago talaga. Pero parang may iba pa eh. Iba 'yung ngiti mo ngayon at 'yung awra ng mukha mo." "Pangit ba 'yan o maganda naman?" nakangiti kong wika. Natutuwa ako da maraming papuri na natanggap ko ngayong umaga pa lang. Kahit paano ay naibsan ang inis sa dibdib ko sa magdamag hanggang kanina paggising. "Syempre maganda! Maganda ka naman talaga eh. Kaya nga iniisip namin baka type ka ni Sir Felix kaya ka binigyan ng special treatment." "Uy sobra ka ha!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Edcel. "Totoo naman ah. Imagine, undergraduate ka pero ikaw ang inilagay d'yan. Ang daming nag-aabang sa posisyon mo na 'yan oh, may mga job experiences pa." "Ipinakiusap kasi ni Lola," pagdadahilan ko naman. Nakatitig pa rin si Edcel sa akin. "Bagay na bagay sa 'yo ang maging mayaman, day," wika nito nang may paghanga sa mga mata. "Naku, baka landiin ka ni Sir Braxton huwag kang papayag ha?" "Bakit naman?" patay malisya kong tanong. "Naku, pakiiyakin ka lang nun. Ang daming babae na tawag nang tawag d'yan. Alam mo ba ang balita, kapag nakuha niya na ang gusto dun sa babae, iiwanan niya na lang basta? Naku, Maliyah, kung ako sa 'yo hindi ako magpapadala sa kagwapuhan nun." "Ows? Kahit makalaglag panty ang kagwapuhan nun?" "Kahit --" Napigil ang sasabihin ni Edcel nang mapatingin ito sa pinto at mapagsino ang nakatayo roon at pigil ang mga ngiti. Sigurado ring nawala ang kulay sa mukha ko sa pagkapahiya. Sinabi ko ba talaga 'yung makalaglag panty? "Hi, sir," nakangiting bati ni Edcel kay Sir Braxton. "I think you need to go back to your own desk, Edcel," sagot naman nitong baritono ang boses. Nang umalis si Edcel sa opisin niya ay umatras na rin yata ang dila ko sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD