Bumalik ako sa opisina ko at inabala ang sarili ko sa trabaho. Pero hindi ko maitatanggi na kinilig ako sa sinabi ni Sir Braxton na kapag hinalikan ko siya ay hindi na siya hahalik sa iba. Paano nito nalaman ang laman ng puso at isip ko? Ganoon ba talaga ako ka-obvious? Abala na ang lahat sa maghapon dahil sa bagong project ng Desiderio Fabrics. Maraming meeting na naman ang magaganap sa mga susunod na araw. Paalis na ko ng alas sais ng gabi nang tawagin ako ni Sir Braxton para pumunta sa opisina nito. "Kailangan kong makausap ang buong Marketing Team bukas, i-set mo ang meeting ng alas diyes. Ala una naman ng hapon sa Production Team. At dahil sa 'yo nagsimula ang ideyang ito, kailangang nandun ka sa bawat meeting." "Yes, sir." "Alas siyete tayo uuwi. May mga tatapusin lang ak

