"Mas gusto mo ang halik ng lalaking 'yun?" tanong ni Sir Braxton nang tumapat muli ang mukha sa akin. "P-pakawalan niyo na ho ako..." Hindi ko na gustong sagutin ang tanong niya dahil malalaman niya lang na siya ang gusto ko. Nang may kumatok sa pinto ay napilitan itong pakawalan ako. Para naman akong nahapo dahil kanina pa nanlalambot ang tuhod ko. "Hi, Brax..." Si Jovy na naman? "What are you doing here?" tanong ni Sir Braxton bago pa bumaba ang halik na naman ng babae. "Visiting you. Ang tagal kong hindi nakabalik dito ah." Napadako ang tingin nito sa akin. "Sino siya?" "My--" "Katulong ho," mabilis kong sagot. "G-gusto niyo ho ng maiinom?" "Never mind. Ako na ang bahala." Kung makaasta ang babae ay hindi lang isang beses itong nakarating na sa condo. Nanginginig a

