Gusto kong maeskandalo sa paraan ng paghalik ni Sir Braxton sa akin. Inangkin niya nang buo ang mga labi ko at ipinasok ang dila na lalong nagdala ng paro-paro sa tiyan ko. Dalawang kamay na nito ang nakayapos sa akin at naglalakbay sa likod ko. Hindi na ako halos makahinga nang bumitiw ito at tinapos ang halik. "S-sir..." Itinulak ko ang dibdib nito pero mahigpit pa rin ang yakap nito sa akin. "I promise you, I won't kiss anyone from now on..." tila alo nito sa akin habang magkadikit pa rin ang mga mukha namin. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko habang ako ay pinipigilan na magbuga ng hangin. Nahihiya ako. "B-bakit ho--" "You are mine now. Hindi ka na magpapahatid sa Jason na 'yun at hindi ka na makikipag-usap sa Josh na 'yun, are we clear?" Ibig bang sabihin nito kami ng dalawa?

