Lagi akong maagang gumigising pero sa umagang 'yun ay si Sir Braxton ang naabutan kong gumagawa ng kape. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. "Opsss, where are you going?" Agad itong nakayakap sa akin habang pabalik ako sa silid. "N-nagkakape ka na pala. Bakit ang aga mong gumising?" "Hindi ako masyadong nakatulog sa dami ng iniisip sa opisina." Hinila nito ang kamay ko para bumalik sa komedor at pinaupo ako sa silya. "Ako naman muna ang gagawa ng kape natin." "Ako na--" "Let me." Pinigilan ako nitong tumayo. Pinainit ko na rin ang niluto mong adobo kahapon. Kanin na lang ang kulang dahil hindi talaga ako marunong magsaing." Ngumiti naman ako saka inabot ang kape sa kamay nito. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang boss ko na tinitingala ang p

