Chapter 54

1056 Words

"Kumusta ang pakikipag-usap mo kay Nova?" tanong ni Luke nang makabalik siya sa mansyon. Si Brantley at Braxton ay naiwan na muna roon para makasama ng anak ang ina-inahan nito. Sa kalagayan ngayon ni Nova ay hindi niya na gustong maging madamot pa. "Nakumbinsi ko na magpagamot ulit. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan, Luke. Ramdam ko ang panghihina niya at pagbagsak ng katawan niya. Naaawa ako. Lalo na nang sabik siyang niyakap ng anak ko." Yumakap si Luke sa kanya nang maramdaman nito ang bigat ng kalooban niya. Marami na siyang nakasalamuhang pasyente sa clinic na katulad ng pinagdadaanan ni Nova ngayon pero hindi siya naapektuhan. Para sa kanya ay trabaho ang tumulong sa mga maysakit. "Pinatawad ko na siya, Luke..." halos bulong niyang wika nang maramdaman ang init ng kataw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD