Chapter Four

1139 Words
Martin Fuck! f**k! f**k! What have I done? f**k! f**k! f**k! Bukod sa madaling mauto ang taong ito, napakagago rin ni Martin Alarcon. Ano ba ang pumasok sa utak ko na nagtulak sa akin na sakalin ang babaeng ito? Wala siyang kinalaman sa pagitan namin ni Leticia, subalit itong gago na ito ay huling na lang nang malaman na hinimatay na pala ang kawawang babaeng sinasakal niya. Sa ilalim ng bilog at masiglang buwan, kami na lang dalawa ng babaeng ito ang natitirang tinatao ang desyertong kalye sa outskirts ng capital nitong siyudad. Dahilan sa walang ibang mapaghihingan ng tulong, nakaramdam ako ng panic. Ano na ang gagawin ko ngayon? Mula sa hindi kalayuan ay naka-park ang Lexus ko na sasakyan. Sa dahilang lasing ako ay pinili kong huwag na magmaneho at maghanap na lang ng masasakyan pauwi. Nagtagal ako roon sa bar para maglasing, nagbabakasakaling malunasan ang sakit na nararamdaman ng dibdib. Ngunit ngayon, tila nadagdagan pa ang problema ko. Kailan kaya siya magigising? Tiningnan ko ang kanyang mga vital signs at nagpasalamat dahil siya ay unconscious lamang. Bilang ito lang ang natatanging solusyon na nakikita ko, binuhat ko ang babae para dalhin sa sasakyan kong may ilang metro mula rito ang kinaroroonan. Wala akong maiging kaalaman sa medikal, kaya dadalhin ko siya sa hospital... Ilang sandali na rin ang nakalilipas nang sinimulan ko ang paglalakad. Bitbit ang babae, may napansin ako sa kanya. Napakagaan naman niya kumpara sa mga babaeng may ganito rin ang pangangatawan. Nag-da-diet ba siya? Ayaw ko ng babaeng tinitipid ang sarili sa nutrisyon na kailangan ng katawan niya. Inaamin ko, strikto ang panglasa ko pagdating sa pangangatawan ng isang babae. Marami na akong naikamang mga babae, lahat sila ay naibuhat ko na at ang iba pa nga ay naihagis ko lapag sa kama. Subalit lahat ng mga iyon ay natigil nang maging kami ni Leticia. Masyado akong naging loyal sa kanya. Ang interes ko sa mga babae ay umikot lamang sa aking-girlfriend-na-niloloko-lang-pala-ako sa loob ng isang taon. Habang buhat-buhat ko itong babae, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa mga pinanggagawa ko. Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya kapag nagising na siya? "Sorry," pabulong na sabi ko. Ano ka ba, Martin! Ang nararapat na parusa sa mga ginawa mo ay pagkakulong. Maraming nalabag na karapatan ng mga kababaihan: minura ko siya ng mga salitang ayaw niyang marinig; nilapatan ko siya ng kamay kahit hindi ko naman siya kilala at wala ring maling ginawa sa akin; at ang panghuli ay hinalikan ko siya sa pagkakaalam na gusto niya ang gagawin ko. Dagdag pa itong pagkalasing ko. Stupid! Stupid! Stupid! Mula sa kailaliman ng pagkakabaon ko sa pag-iisip, naagaw ang atensyon ko sa isang lamppost na nakatayo sa gilid ng kalsada. Kung kailan pa kami dumaan dito ay doon din siya namatay. Iniwanan kami ng ilaw na nagmumula sa bumbilya mga ilang metro ang layo sa pagtahak ko sa walang buhay na kalyeng ito. Ngunit parang may napapansin ako. Ganito ba ang dapat na maramdaman sa tuwing ikaw lang mag-isa ang tumatakbo sa kalye sa ganitong mga oras ng gabi? Iyong tipo na sinusundan ka ng isang taong may balak na masama sa iyo, ngunit sa tuwing ikaw ay titingin sa iyong likod ay wala namang tao. Guni-guni ko lang ba iyon? O mayroon nga talagang sumusunod sa aming dalawa ng babaeng ito? Pero sino naman kaya kung mayroon nga? Narating ko na ang sasakyan kong naka-park malapit sa bar kung saan doon ako uminom kanina. Dali-dali kong binuksan ang back seat ng Lexus upang mailapag ang babae sa maayos na posisyon ng paghiga. Kawawang babae, nadamay pa siya. Sinubukan ko uling tingnan ang pulso niya. Okay naman... Please be alright, lady. Inayos ko ang magulo niyang buhok at inipit ito sa likod ng kanyang tainga para makita nang maigi ang magandang mukha niya. Ang haba ng kanyang pilik mata, ang ilong naman niya ay matangos, dagdag mo rin itong kanyang mga labing kissable. Bakit kaya siya naglalakad nang mag-isa sa ilalim ng gabi? Inaalala ang nangyari kanina, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap ng lasa ng mga labi niya sa akin. Sa lahat ng mga babaeng nahalikan ko, siya itong kakaiba. Alam ko kapag nag-li-lipstick o nag-li-lipgloss ang isang babae. May kalagkitan kasing pakiramdam na didikit sa mga labi ng isang taong humalik dito. Pero sa kaso nitong babae, alam kong wala siyang ginamit na lipstick o lipgloss o anuman para gumanda ang mga labi niya. Pagtataka ko pa, bakit ako may nalasahang strawberry sa mga labi niya? Sa kagustuhang matikman ulit ang lasang kanina ko lamang natikman, binalak kong muling halikan siya. Ngunit... Sa pagitan ng binabalak ko ay ikinagulat ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Mukhang may tumatawag sa akin. Sino kaya ito? Walang nagawa, bilang isang desisyon ay naglakad ako palayo sa sasakyan para sagutin ang tawag. Baka importante ito. Sa pagkadismaya ko nang nag-flash na ang screen, ang pangalan ng tumatawag ang una kong nabasa. Napaisip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Sasagutin ko ba? Tumatawag kasi sa akin si Leticia. Hindi niya pa siguro alam ang tungkol sa nadiskobre ko sa kanilang bahay. Sasagutin ko itong tawag at para opisyal ko na ring mahiwalayan siya. "Oh hello, Leticia. What makes you call me?" paunang bati ko sa kanya. "Leticia? Martin, we have endearments. You call me babe, whereas I call you baby. And don't tell me you have forgotten what is this that we have today?" "Today is our anniversary, right?" tugon ko sa kanya. "And no greetings? No surprises? No dates?" "And why would I?" "What?" "You know what I'm talking about." "I don't, enlighten me then." "About you and Josh," bunyag ko sa kanya. Pansamantalang tumahimik ang kabilang linya dahil sa sinabi ko. Then, she asked, "What is it that is about me and Josh?" "Don't play pretend, I won't buy it." "Listen. Whatever it is, my whole day preparation for the event has been just laid to waste." "I am all ears, babe." "You do not f*****g care about me and the relation we have, right? This is an unfair play on my side!" "Why is it that is unfair?" "I have organized a date with you and my family. I even summoned my twin sister from the states." "What did you say? You have a twin?" nagulat ako sa ibinunyag niya. May kakambal siya? "Dont change the subject matter, Martin. Be here before twelve, or I will be breaking up with you." Kaalinsabay sa huli niyang sinabi ay ang pag-terminate ng call. May kakambal si Leticia. Isang impormasyong wala talaga akong alam. Baka siya itong nakita ko sa kama kasama ang bestfriend ko na si Josh? Bilang isang desisyon ay pinuntahan ko ang sasakyan ko. Pagkarating ko roon ay nakatiwangwang lang ang pinto ng back seat. Wala na ang babaeng kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD