Azelf
Minulat ko ang mga mata ko nang magkamalay na. Paunti-unti, rumehistro sa utak ko ang lugar kung saan ako naroroon sa kasalukuyan. Walang may nagbago, gaya pa rin ito nang huli akong nandito. Madilim, mainit, madumi, at mabaho: iyan ang mga unang salitang pumapasok sa bata at payak kong pag-iisip sa tuwing ako ay nagigising mula sa pagtulog ko. Gaano na ba ako katagal dito?
May isang wrapper ng chocolate candy ang sa hindi kalayuan ng kinahihigaan kong lupa ang tumambad sa akin sa paglingon ko sa kanan. Pinilit ko itong inabot gamit ang puro galos at pasa kong kamay na nanginginig sa gutom. Gaano na ba katagal nang huli akong nakakain?
Paunti-unti ay sinubukan kong makuha ang chocolate wrapper, matagal ang inabot ngunit nagtagumpay rin ako sa pagkuha nito. Dahan-dahan ko itong inilapit sa ilong ko, inamoy, at dinilaan. Isang patak ng luha ang sa mukha ko ang dumaloy. Nagugutom at nauuhaw na ako.
Ang sakit na ng tiyan ko. Walang makakain, walang maiinom, wala talaga. Mula sa pagkakahiga nang patihaya, ibinaluktot ko ang katawan ko. Sana makatulog ulit ako at managinip ng isang lugar na may mga masasarap na pagkain. Kahit doon na lang ay mabusog ako. Ang sakit na talaga ng tiyan ko!
Nahihilo at nanginginig, pinilit ko pa ring makatulog sa kabila ng ingay na ginagawa ng kumakalam ko na sikmura. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?
Mama, Papa, nasaan na kayo?
Pinilit kong patayin ang atensyon ko sa pagkakatuon nito sa walang laman na tiyan. Ngunit sa pagitan niyon ay narinig akong mga yapak ng paa. Papunta ito sa akin. Narinig ko ang mga ito na nagbukas ng selda kung saan ako isinisilid.
"Hoy, bata, gising!" sabi ng taong may lalaki ang boses.
Dahilan sa wala na akong lakas para magmulat pa ng mga mata, nanatiling tahimik na lang ako. Ang kumakalam kong sikmura na lang ang gumagawa ng tunog. Sana may tinapay roon sa panaginip ko.
"Hoy bata, alam mo bang may tatlong araw ka nang hindi kumakain?" bunyag niya sa akin. Ang nakaraang tatlong araw na iyon ang huli kong kinain ay isang piraso lang ng tsokolate.
"Subalit alam mo rin ba na may dala ako rito para sa iyo?"
Pagkatapos niyang magsalita ay narinig ko ang tunog ng plastic wrapper na hawak niya. Gusto ko mang magdilat ng mga mata para harapin siya, ngunit wala na akong natitira pang lakas.
"Kung gusto mo, hati tayo." Nagulat ako sa sunod na ginawa niya: naramdaman ko ang kanyang katawan na dumampi sa akin. May naaamoy akong tsokolate.
"Bibigyan lamang kita ng makakain kung tatangappin mo ang mga labi ko. Ng mga iyo."
-----
Nagising ako sa lugar na hindi ko inaasahang magigising. Bakit kaya napadpad ako rito?
Ang huling naalaala ko ay naglalakad na ako pauwi sa bahay mula sa trabaho. Alam kong may nangyari sa pagitan niyon, ngunit nang sinubukan ko nang alahanin kung ano ang mga ito, mga blur lang na imahe ang na-re-recollect ko. Dagdag mo pa itong pagkapadpad ko sa loob ng sasakyan. Bakit nga ba ako nandito?
Sa kagustuhang maliwanagan ng mga pangyayari, nagdesisyon akong tignan kung nasaan na ako kasalukuyan. Binuksan ko ang kaliwang pintuan ng backseat ng sasakyan at lumabas na. Bakit kaya ang sakit ng leeg ko?
Tumambad sa paglabas ko ng sasakyan ang malamig na simoy ng hangin ng Disyembre. Napakagaan sa pakiramdam ng banayad na haplos nito, nakakagalak at nakakapagpahinahon ng pag-iisip.
Mula sa kinatatayuan ko, may nakita akong silhouette ng isang matangkad na taong tumitingin sa akin. I momentarily stared at him, and so did he. Siguro siya itong may alam sa mga nangyari sa akin at bakit ako napadpad dito.
Siguro nga.
Dahilan sa walang na akong ibang nakikitang mapagtatanungan, kaya sinundan ko na lang ang aking hinala. Nagsimula na akong humakbang papunta sa kinaroroonan ng silhouette. Patuloy pa rin ang pagtitig sa akin ng misteryosong matangkad na lalaki.
Sa ilalim ng bilog at masiglang ilaw ng buwan, ang silhouette ay piniling magtago sa lilim ng puno ng mangga. Kaunting features ng katawan niya ay naging exposed sa sinag ng buwan. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang misteryoso sa kaalaman ko.
Mga ilang sandali na rin ang nakalipas nang sinimulan ko ang paghakbang papunta sa silhouette. Patuloy niya pa rin akong pinagmamasdan. Ngunit nang nangangalahati na ako sa distansya papunta sa kinaroroonan niya, ikinagulat ko ang sunod na ginawa niya: tumalikod ito at tumakbo palayo sa akin.
"Kuya, sandali lang," pagpigil ko sa kanya habang sinimulan na rin ang pagtakbo. Ang matangkad na silhouette ay nagpanggap na hindi narinig ang isinigaw ko.
Sa kagustuhang maliwanagan sa mga nangyayari, pinili ko pa ring sundan ito kahit na ayaw nitong ibunyag sa akin ang pagkakakilanlan niya. Ang matangkad na silhouette ay lumiko sa kaliwa.
"Sandali lang, Kuya!"
Kahit na hindi ko na siya nakikita mula sa kinatatayuan ko, patuloy pa rin ako sa pagsigaw habang naglalakad. Sa kailaliman ng gabi, walang dudang may naisturbo na akong mga natutulog na residente. Nang marating ko na ang likuan sa kaliwa, wala nang bakas ng silhouette ng matangkad na lalaki ang naratnan ko.
Puno, halaman, at damo. Bukod sa mga ito, wala nang ibang may buhay na bagay ang nararamdaman kong nandirito maliban sa akin. Sino ba ang silhouette na iyon?
Sa kadahilanang ito na rin ang daanan pauwi sa bahay ko, pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Ang ihip ng hangin ay gumawa ng mga ingay na may pagkakamaling natukoy ko na mga gawa ng nagtatagong silhouette. Rustle here, rustle there. Nang may napansin ako...
Habang ako ay naglalakad nang matahimik, may narinig akong ingay na napagtanto kong hindi gawa ng hangin. Nagtataka, tinungo ko ang dako kung saan ito ay nanggaling.
Nang makarating na ako sa dakong iyon, kinuha ko ang maliit na flashlight na itinatago ko kung sakaling madilim at walang ilaw ang daan sa pag-uwi ko. Tinuon ko ito sa dako kung saan ko narinig ang ingay. Pinindot ko ang switch na siya namang nagpailaw sa flashlight.
Tumambad sa harapan ko ang dalawang tao na walang saplot sa katawan habang nag-se-s****l intercourse sa damuhan.
"So-so-sorry," may pagkataranta kong sabi. Dali-dali kong tinakpan ang mga mata ko sa tanawing nakita. Nakaramdam ng pagkaasiwa, mabilis akong tumatalikod. Mula sa likuran ko, naramdaman ko rin ang pag-pa-panic nila.
"Azelf," bangit ng lalaking may boses na pamilyar.
"Sorry," sabi ko habang pinapanatiling nakatalikod sa kanila. Kilala ako ng lalaki? Lagot!
"Pasensya ka na, Azelf," sabi niya. Para talagang pamilyar ang tinig ng lalaki. Curious, tinanong ko siya, "Paano mo ako nakilala?"
"Azelf, pwede ka nang tumingin."
"Ayaw!"
"Nakabihis na kami. We are already decent to talk with you."
Bago ako lumingon, bumuntong hininga muna ako. Minulat ko ang mga mata ko nang masigurong kaharap na sila.
"Jake!" ang tangi kong nasabi nang makita ang regular na customer ng Sensation Massage Spa at kasama rin sa magbabakarda na nag-ge-gym. Katabi niya ang matalik kong kaibigan: "Helinda!"
Kahit mukhang nahihiya, kinawayan niya pa rin ako. Pinandilatan ko ng mga mata si Helinda bago itinuon ulit ang tingin kay Jake. Tanong ko, "Jake, bakit dito kayo nag-se-s*x?"
Ilang segundo ang nagdaan sa sinabi ko at doon ko pa lamang na-realise na napaka-brutal ng paraan ng pagtanong ko. Ngunit kahit na ganoon, sinagot niya pa rin ako, "Lasing na kasi si Helinda. Kalalabas ko lang sa bar nang magkasalubong kami. Aaminin ko, nakainom din ako. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko nang hinalikan na ako ni Helinda.”
Mula kay Jake, tiningnan ko ulit si Helinda, "At ikaw naman, babae, bakit mo hinalikan si Jake?"
"I don't know, I just find his lips kissable."
Sa tuno nang pagsagot niya, mukhang lasing pa rin siya.
"Ito iyong dahilan kung bakit ayaw ko talagang iminom ng alak kailanpaman, e. Kita n'yo na?" may galit na sabi ko.
"Sorry," sabi sa akin ni Helinda.
"Jake, umuwi ka na. Dadalhin ko na sa bahay si Helinda. Pasensya na at naisturbo ko pa ang pagtatalik ninyong dalawa sa damuhan."
"Mamaya na, ihahatid ko na muna kayong dalawa sa iyong bahay, Azelf."
Hay nako!
Nakarating kaming tatlo sa bahay malapit nang maghatinggabi. Pagkabukas ko ng pinto, dali-dali ring nagpaalam sa akin si Jake para umuwi na. Hinalikan niya ang pisngi ni Helinda at umalis na.
Binuksan ko ang switch ng ilaw para sa living room at inilapag sa futon si Helinda. Nang maihiga ko nang maayos ang kaibigan ko, isinirado ko na ang pinto na pinasukan namin kanina.
Tinahak ko ang daan papuntang banyo at doon ay nag-half bath ako. Pagkatapos kong patuyuin ang sarili, tinungo ko naman ang wardrobe para makapagbihis na.
Pero sa hindi ko mawaring pakiramdam, parang may nanunood sa akin habang ako ay nagpapalit ng damit.
Pinuntahan ko si Helinda habang himbing na himbing ito sa pagtulog. Pagkatapos kong punasan ang katawan niya, nilagyan ko siya ng kumot at pinatay na ang ilaw. Ngunit ewan ko ba, bago pa mawala ang ilaw ay parang may nakita ako.
Guni-guni ko lang siguro na ang silhouette ay tinitingnan ako mula sa bintanang malapit sa kinaroroonan namin ni Helinda.