Martin
Siguro okay na siya. Siguro nga. Kahit na gusto kong hanapin ang babaeng dinala ko rito sa sasakyan, pinigilan ko na ang sarili.
Tumawag kasi ang girlfriend kong si Leticia.
May ilang minuto na lang ang natitira bago sumapit ang hatinggabi. Kailangan ay nasapit ko na ang bahay ng mga Sanchez bago pa man mag-alas-dose. Kapag hindi ako umabot bago ang nakatakdang panahon na iyon, makikipag-break na sa akin si Leticia.
Hey, Dude, I will never let that happen. Damn it if I did!
Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko.
Kahit na wala nang gabay ng mga ilaw na nagmumula sa headlights ng Lexus, ang gabing ito ay napakamasyadong maliwanag. Mula sa kinauupuan kong driver seat, wala akong may nakikitang katiting na ulap na tumatakip sa kalangitan. Ang mga bituin ay masiglang kumikinang sa patnubay ng hinog at bilog na buwan.
Habang nagmamaneho ako ay hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Para bang may iba sa kanya. Sa katunayan, bukod sa pisikal na kaanyuan na nagagandahan ko sa kanya, mayroon din ako itong hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanya.
Habang naghahanap ng mga bagay na salita para ma-describe kung ano ito, naalala kong hindi pa ako nakapag-sorry sa kanya sa ginawa ko kaninang umaga. Dagdag mo rin itong inasal ko habang lasing sa presensya niya kanina. Masama mang isipin, ngunit sa tuwing naaalala ko ang lasa ng mga labi niya ay agad-agad akong tinitigasan. Dapat ba akong ma-guilty? After all, I have a girlfriend.
Pagkatapos kong lumiliko sa isang kurbada ay napatingin ako sa tanawin sa kaliwa ko. Parang kakahuyan na kasi ang bandang dito ng kalsada. Iyon ay naging understatement lang pala. Makaraan kasi ang ilang segundo ay may nakita akong isang bahay. Hindi kagaya ng mga tahanan na mayroon sa kabilang banda ng kurbada, ang ilaw nito ay nanatiling bukas pa. Siguro ay gising pa ang mga naninirahan dito.
Mula sa bahay na iyon, ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa kalsada. Ngunit habang ginagawa ko iyon, ang line of vision ko ay nakakita ng isang silhouette na sumisilip sa isa sa mga bintana ng bahay. Binalik ko ulit ang tingin ko sa bahay. Parang namumukhaan ko ang hitsura ng matangkad na lalaki na sumisilip sa bintana.
Siya nga ba ‘yon?
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho na ang atensyon ay nakahati sa tatlo: una, sa babaeng hindi ko alam ang pangalan na lasang strawberry ang mga labi; pangalawa, sa girlfriend kong binigyan ako ng deadline para maisalba ang relasyon namin; at pangatlo, sa kalsadang tinatahak ko ngayong mag-isa.
Sa isang pagkakataon ulit, may napansin ako...
Hindi kalayuan sa lugar kung saan kanina ay may nagbebenta ng bulaklak, may nakita akong isang shopping bag. Habang tinititigan ko iyon, bigla kong naalala na ang mga iyon ay ang dala kanina ng babaeng ginawan ko ng kasalanan.
Mula sa pagmamaneho, huminto ako. Dali-dali akong lumabas ng Lexus para kunin ang naiwan ng babae. Nang mahawakan ko na ang handle ng bag, pumasok na rin ako sa sasakyan. Pagkasarado ko ng pinto ay inilapag ko ang bag sa katabi na upuan ng driver seat. Pinaandar ko na ulit ang Lexus at pinatakbo na.
Kasalukuyan ang oras ay 11:43 na ng gabi. Batay sa tulin ng pagmamaneho ko, kaya ko namang makarating sa bahay ni Leticia bago dumating ang hatinggabi. Curios kung ano ang laman ng ipinamili ng babae, binuksan ko ang shopping bag. Tumambad sa pagbukas ko ang dalawa pang maliliit na mga bag.
Mula sa shopping bag, kinuha ko ang isang may desenyo ng department store na yari sa papel na bag. Binuksan ko iyon para makita kung ano ang laman nito. Natawa ako sa mga nakita: beads, feathers, at kung ano-ano pang pandekorasyon.
Para saan niya kaya ito gagamitin? Malamang sa pang-decorate. Ngunit, ng ano?
Ilang sandali ang nakaraan, nang makuntento na ako sa paghalakhak sa mga sumasagi sa utak kong possibleng paggamitan ng mga natukoy na light materials, itinabi ko na ang unang bag. Ngunit nang balak ko namang tignan ang ang laman ng pangalawa, ang cellphone ko ay tumunog. Sigurado akong si Leticia itong tumatawag.
Habang nakatuon pa rin sa kalye ang titig ko, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Hindi nga ako nagkakamali. Dali-dali kong sinagot ang tawag ni Leticia.
"Hey, babe!" paunang bati ko sa kanya.
"Where are you now?" may pagkasuplada niyang sabi.
"Secret."
"Don't answer me 'secret'. I ain't in the mood to play a game!" galit niyang tugon.
"Relax, babe."
"Don't call me 'babe'!"
Parang pinana ako ng sampung palaso sa sinabi niya. Bakit niya kaya nawika iyon?
"Relax, what's the problem?"
"The problem is you, Martin. You!"
"Me? I don't understand."
"Dont play pretend, I won't buy it."
"Are you breaking up with me already?"
"No, you already broke up with me!"
"Leticia, why in the world would I do that?"
"You haven't made it to my house before 12. And I am dubious if you even did an effort just to make it."
Napakunot ang noo ko sa narinig ko.
"What time is it, babe?" tanong ko sa kanya.
"00:02 A.M., Martin!"
"What?"
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Para nga makumpirma kung tama ba ang oras na sinabi ni Leticia, kinunsulta ko ang Rolex ko. Binagyan ako ng relo ng reading na 11:56 P.M..
"Babe, I think there is a mistake here."
"Whatever it is, Martin. That will not turn back what you did, you forgot our anniversary!"
Am I? Alam ko sa loob ko na isa ako sa mga taong nasasabik na dumating ang araw na ito. Lahat ay dapat nangyari gaya sa pinlano ko. Ngunit hindi ko namang inaasahang may masasaksihan akong pangyayari kanina. Ang pangyayaring kinakatakot kong magkatotoo. Ngunit salamat kay Leticia, naklaro ang mga dapat na iklaro. Wala naman palang dapat ikabahala.
"Babe, my wristwatch happens to be six minutes late than the clock you have there."
"Dont fool me, Martin."
"I am not. In fact, I have bought you pretty sweet things." Naalala ko iyong binili ko kaninang bouquet ng pula na roses at box na Ferrero Rocher.
"You know that I ain't after for any gifts other than your presence for this day. Just tell me already, where are you?"
"That is so sweet to hear, babe. Take a look to your left."
Mula sa windshield ng sasakyan, nakita ko si Leticia na lumingon. Ang ganda niyang tingnan sa cold shoulder floral dress niya. Naalala ko pa kung gaano siya kasaya nang niregalo ko sa kanya ang damit na iyan noong nagdiwang siya ng 18-th birthday niya. Ngunit ngayon, kita ko sa paglingon niya ang mga matang galing sa pag-iyak. I felt bad for what I did.
"See? I made it," sabi ko sa cellphone kahit na pwede na akong tumalon palapit sa kanya para yakapin siya. Ngumiti na lang siya sa narinig. Dali-dali kong inihinto ang sasakyan, pinatay ang makina, lumabas ng Lexus, sinirado ang pinto, at tinungo si Leticia.
Sa kabilang banda, si Leticia naman ay may pagkasabik na sinalubong ako. Nagkatagpo kami sa gitna ng harapan ng bahay nila, sa harap ng halaman na cycad. Sa aming pagkikita bago matapos ang araw ng anibersaryo namin, muntikan ko na siyang halikan nang sumagi sa isip ko na girlfriend ko pa lang pala siya. Save the kiss for the last, parati niyang sinasabi.
Nagtagal ang pagyayakapan namin ng ilang minuto. Mula sa likod niya, narinig ko siyang humikbi. Kawawang babae, pinaghintay ko siya ng buong araw.
"Shhh, babe. I'm already here."
"You, jerk! You should have informed me if there is a much more important errand to run than this. You've got me thinking what worst have happened to you!"
"Yes, I've been a jerk for making you worry. And I am so sorry for that. I am really really are."
"You should!" bumitaw siya sa pagyayakapan namin at hinarap ako. Tumambad sa pagtingin niya sa akin ang napakalusog niyang mga labi. Pink na pink ito sa lipstick na Victoria Secret. Nanghihinayang man na hindi ko matitikman ang mga iyon, ang mahalaga nandito ako katabi siya. Katabi ang mahal ko.
"I don't know what have gotten to me today..." nagulat ako nang inilapat niya ang kanyang daliri sa mga labi ko na nagpapahiwatig na ayaw niyang marinig ang mga explanations ko.
"That is just fine, baby," ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin ang linyang iyan. Tumango na lang ako at hinalikan ang daliring nakadagan sa mga labi ko.
"You have said you bought me pretty sweet things. I wonder what are those."
"Sure, come. Follow me."
Pinuntahan ko ang back seat para kunin ang bouquet ng pula na rosas at ang Ferrero Rocher na binili ko kanina. Sa kabutihang palad, hindi sumagi sa isip ko na itapon ang dalawang iyon. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto para sa back seat, walang may tumambad sa akin. Nasaan na ang mga iyon?
"May I see those pretty sweet things already?"
Ano na ang gagawin ko ngayon? Kapag wala akong may maibigay, baka ma-disappoint sa akin si Leticia. Martin, mag-isip ka!
"Is there something wrong, Martin? Don't tell me..."
Iniisip na niyang wala akong may maiibigay sa kanya. Mag-isip ka, Martin!
"No, no, babe," sabi ko. Damn, where are those?
"Okay... Maybe you have misplaced it?"
Sandali lang...
Mula sa back seat, pinuntahan ko ang front seat. Naalala kong mayroon ditong bag na hindi ko pa nabubuksan. Bahala na si bahala kung ano ang laman niyon. Gagawa na lang ako ng pagpapaliwanag kung ano man iyon.
"Here it is,” wika ko sabay bigay ko sa kanya ng bag.
"I should not expect less from you, Martin. I wonder what those pretty sweet things are."
"Then open it," may pangngiti kong utos sa kanya. Sana pangbabae ang laman niyan.
Pero paano kung beads at feathers ulit ang laman ng bag? Beads symbolizes our memories? Feathers symbolizes our happiness? Iniisip ko pa lang kung ano ang magiging reaction niya kapag iyon ang tumambad sa pagbukas niya, napapangiwi na ako.
Binuksan na niya ang bag.
Mula sa blanko niyang mukha, ngumiti si Leticia. Bagay na ipinagtaka ko naman.
Nang binunot na niya ang laman ng bag, nagulat ako sa naging regalo ko sa kanya. Isang two-piece red swimwear ang bumulaga sa akin.