From the Journal of Martin Alarcon The Five Roses Nang matapos na kaming kumain ni Azelf ay agad akong nagdesisyong ipagpatuloy ang pagtakbo namin. Subalit dahil sa sinabi ni Azelf na baka sasakit ang mga tiyan namin sapagkat busog pa at tatakbo na, nakumbinsi niya ako’t napapayag na pansamantala munang magpahinga para magpatunaw ng mga kinain namin. Sa pagpahinga namin ay naikuwento ko sa kanya ang istorya sa likod nitong rose garden. Just what I've expected ay umiyak siya. Hindi ko siya masisisi, for the first time I have read the story on the internet, I, too, shed a tear. Nang sa tingin ko’y nakapagpahinga na kami ng sapat para sa mga kinain namin, muling ipinagpatuloy na namin ang pagtakbo. Kung saan kami dadalhin ng mga paa namin, hindi ko alam. May mapa, compass, at kaalaman n

