Martin Sino si Azelf? At para saan ang journal na iyon? Pagkababa ko kanina sa jeep ay sinundan ako ng lalaking nakasabay ko sa biyahe. Balak niyang nakawin ang pera na hiniram ko kay Mr. Kleid. Tinutukan niya ako ng patalim at sinabihang ibigay sa kanya ang pera. Ako naman ay sinunod ang inutos niya. Kinuha niya ang pera, sinuntok ako sa mukha, at mabilis na tumakbo... Siguro dahil ito sa suntok kaya kasalukuyang sumasakit ang ulo ko at may nag-pa-flash sa utak ko. Lahat nakasentro sa isang babae. Magandang babae. Ang pangalan niya ay Azelf. Kahit na anong subok kong alalahanin ang tungkol sa relasyon ng batang babaeng iyon at nakin, patuloy sa paglalakad, ay wala talaga akong may na-re-recollect sa memorya ko. Sino kaya ang batang babaeng iyon at ano ang papel niya sa nakaraan? Kab

