Azelf Dala ng pagiging magkatabi ng mga selda namin, si Narasha ang naging una kong kaibigan dito sa warehouse. Nauna ako sa kanya ng kulang-kulang isang buwan dito. Minsan ay nakakausap ko siya, minsan ay hindi. Gayunpaman, nagagalak pa rin ako na mayroon na akong kaibigan sa madilim na lugar na ito. "Huwag kang mag-alala, Narasha. Sabi ng lalaki ay papakainin niya raw tayong lahat!" Mula sa kinatatayuan ko ay inalam ko kung gising ba ang kaibigan ko. Malamang gagalaw si Narasha kapag narinig niya ang sinabi ko. Nanatiling hindi kumikibo, napagtanto kong natutulog pa siya. Huwag kang mag-alala, Narasha. Ang iniinda mong gutom ay hindi na magtatagal at malulunasan na. Nakaraan ang ilang sandali sa pagmamasid ko sa kaibigan kong mahimbing na natutulog, sa likod ko ay may narinig ako. S

