Martin Nagising na ang bodyguard na sinabihan ni Dad na bantayan ako. Mukhang wala siyang kaalam-alam na lumabas ako sa perimeter ng mansion kasama siya kanina. Kasi naman, nagkamalay lamang siya ulit pagkabalik ko ng Lexus sa garahe. "This is the bag that I am talking about. Shall we head back to my room now?" Kahit na naguguluhan kung paano siya nagising sa back seat ng sasakyan, tuwid na nakatayo, nagwika ito, "Yes, Young Master." At lumabas na kami sa garahe. Sinundan niya ako papasok ng bahay. Kahit na tahimik lamang ito, alam kong nagtataka na siya kung paanong lumipas ang isang oras na hindi niya man lang nararamdaman. Pwede niya akong tanungin kung paano siya nandoon sa loob ng back seat ng Lexus na hindi niya namamalayan, ngunit kapag ginawa niya iyon ay siya rin lang ang mags

