Azelf Pasado alas-sais na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Sa kagandahang palad, matagumpay kaming nakahanap ng bagong part-time ng kaibigan kong si Helinda. Ang pinakauna naming inaplayang trabaho, agad kaming tinanggap doon. Nakakatawa ngang isipin, ngunit halos lahat ng mga kasama namin noon ni Helinda sa Sensation Massage Spa ay doon din napadpad. Sino ba ang hindi magagalak niyon? Lahat kami-- mula sa pagiging masahista-- ngayon ay hired na mga panadera na! Pagkasapit ko sa paanan ng bahay ay pinagpag ko muna ang suot kong sapatos. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa doorstep. Pagkasapit ko sa pintuan ay hinawakan ko ang doorknob. Sabi na nga ba, nalimutan kong i-lock ang pinto ng bahay sa pag-alis ko para pumunta sa paaralan. Bakit ngayong mga araw nagigi

