Martin Ngayon na nabili ko na ang mga pinakamimithi kong bibilhin, nakahanda na ang lahat. Sana lang sana, hindi niya tanggihan ang mga ito. Ang ideyang bigyan ng bulaklak at tsokolate ang babaeng mahal ko ay matagal ko nang naisip. Natatakot sa magiging kahihinatnan ng pag-amin ko ng nararamdaman sa kanya, kailangan ko pa ring gawin ito para malaman niya na siya na ang itinitibok ng puso ko. Si Mesfre ay isang magandang babaeng nagugustuhan ng lahat. Ngunit bukod doon ay mayroon din siyang katangian na namamangha akong nasa kanya: isang kagandahang loob. Hawak ang mga ipinamiling kong matagal kong pinag-ipunan, nang pwede nang tumawid ang mga tao sa kabilang kalye sa pahintulot ng masiglang traffic enforcer, ay tumawid na ako papunta roon. Sana lang talaga ay tanggapin niya ang mga i

