Azelf Natapos na ang pag-uusap namin ni Greg Cabernet nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Bago ko patayin ang cellphone na itinatago ko sa ilalim ng higaan, tiningnan ko muna kung anong oras na. Isang minuto bago mag-10:30 ng gabi. May dalawampu't minuto na lang para maganap ang sinasabing tulong sa akin ni Greg. Ito ay para mahanap ko ang susing itinatago ni Kent Bernard sa bahay na ‘to para mapalaya si Colonel Alexander McGraw sa pinagkukulungan nito. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay tumayo ako. Ang malamig na sahig na lumapat sa mga paa ko’y dinagdagan pa ang kaba ko sa binabalak na gawin bago matapos ang gabing ito. Sa tingin ko, magpapatuloy itong takot na nararamdaman ko habang nandirito ako sa bahay na ito. Para akong isang mountaineer na umaakyat sa malamig at matirik na bun

