Book 2 Chapter Three

1173 Words

 Azelf Nakaupo ako habang hawak-hawak ang biniling limang malulusog na bulaklak. Mga pulang rosas. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa lugar na ito ko pa makikitang muli si Martin. Sa dinami-dami ng lugar na pwede kaming magkatagpong muli, sa ikalawang pagkakataon, ay nagkrus ulit ang mga landas namin sa isang flower shop. Kagaya noong una, parehong bulaklak rin ng pula na rosas ang naging dahilan kung bakit kami nagkitang muli. Natatawa, nalulungkot, masaya, nagagalit... Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon kasalukuyan: natatawa ako sa sarili sa kung paano ako nanigas sa kinatatayuan habang pinagmamasdan kanina ang kagwapuhan niyang matagal ko nang minamanghaan; nalulungkot ako sa kadahilanang alam kong naghihirap siya ngayon sapagkat ang suhol na sampung piso ay hindi maipagkakaila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD