Martin Matapos ang nangyari kaninang umaga, hindi na ako tinatantanan ng pag-iisip sa kung paano ko matutulungan si Mesfre, ang babaeng mahal ko. Bago ko pa kasi maipahayag ang intensyo kong umakyat ng ligaw sa kanya, dumating ang nagmamay-ari ng bahay kung saan si Mesfre at ang maysakit niyang kapatid ay naninirahan. Sinisingil sila nito ng ilang buwan na nilang rentang hindi nababayaran. Ang sabi, dapat bago matapos ang araw na ito ay may iaabot na dapat si Mesfre na pera sa kanya. Kapag nabigo ang babaeng mahal ko na magbayad, mapipilitan na raw siyang paalisin ang magkakapatid. Nakahigang nakatihaya ako sa malambot na futon. Kahit na kasalukuyan kong tinititigan ang kisame ng bahay kung saan ako tumutuloy, ang pag-iisip ko ay nandoon pa rin sa bahay na tinitirhan nila Mesfre. Paa

