From the journal of Martin Alarcon The Three Roses Dahil sa pagod ay hindi namin namalayan ni Azelf na nakatulog pala kami habang nakasakay sa bagon na nakakabikit sa kabayong pag-aari ni Manong. Hapon na nang maalimpungatan kami ni Azelf sapagkat ginising niya kami. Ang sabi ni Manong ay hanggang dito na lang niya kami kayang dalhin. Malapit lang mula rito ang bahay niya at may obligasyon pa siya sa buntis niyang asawa. Kaya, kahit na anong gusto niyang dalhin kami sa final stop na naka-indicate sa mapa ay hindi niya magagawa iyon ngayong araw. Dependi raw sa amin kung pansamantala muna kaming tutuloy sa kanila at ipagpapabukas na ang paglalakad, o ipagpapatuloy pa namin ang paglalakbay. Malapit lang naman daw kasi rito ang "X" marking na nakalagay sa mapa. Tinanong ko siya kung ano ba

