Azelf Pasimpleng napingiti ako nang ma-realize na muli akong nanaginip kasama si Martin sa kwartong ko at nagmahalan kami. Ang tipo ng pagmamahalang napakabagsik, napakapuro, at napakasarap. Ang bawat haplos na ginawa niya sa akin sa iba't ibang bahagi ng katawan ko--kahit na panaginip lang ang nangyari-- ay detalyedo ko pa ring mailalarawan ngayong gising na ako. Ang bawat ungol na lumalabas sa kanya-kanyang bibig namin-- kahit na matagal nang lumipas at namaalam-- ay patuloy pa ring binubuhay ang diwa ko sa tuwing inaalaala ang naganap. Ang solidong amoy ng katatapos lang na pakikipagtalik na ginawa namin-- kahit na hindi totoo at imahinasyon ko lang-- ay parang nandirito pa rin nananatili sa ilalim ng ilong ko. Pinapagaan nito ang balisa kong pag-iisip. Martin, simula noong may nangya

